Wednesday, November 13, 2013

Titulo sa juniors at seniors, susungkutin na ng San Beda

Mga laro ngayon:

(MOA Arena)

12:30 p.m. CSB- LSGH vs San Beda

2 p.m. Awarding Ceremonies

2:30 p.m. Letran vs. San Beda


Ganap nang mawalis ang kanilang final series at muling iuwi sa kanilang campus ang championship sa juniors at seniors division ang tatangkain ng San Beda College sa Game 2 ng 89th NCAA basketball sa MOA Arena sa Pasay City.


Kapwa nagwagi ang Red Cubs at Red Lions sa Game One ng kanilang finals matches, ang una kontra sa CSB-La Salle Greenhills at ang huli ay laban sa kanilang archrival Letran College, 80-68.



Naniniwala si coach Boyet Fernandez na gagawin ng Letran ang lahat upang makabalik at maisagad ang serye hanggang sa Game 3 kaya naman kailangan nilang maghanda nang husto sa Games 2.


“That’ s what I’ m afraid of, I knew that Letran are capable of coming back. And for sure, Raymund Almazan will lead them,” pahayag ni Fernandez. “He (Almazan) is not the MVP for nothing so we have to be ready.”


Sa kabilang kampo, magsisikap naman si Knights coach Caloy Garcia na mapalabas ang laro ng kanyang second stringers bukod pa sa epektibong maimplementa ang kanilang depensa.


Sa gitna ng kanilang natamong pagkabigo sa Game 1, nanatiling optimistiko si Garcia na kaya nilang magkampeon.


“I still believe we can win the championship,” ayon kay Garcia.


Samantala, taglay ang bentaheng thrice to beat, kailangan na lamang ng Red Cubs na maipanalo ang ikalawang laro para makumpleto ang season.


Kung sakaling maiuuwi ng Red Cubs ang titulo, ito ang kanilang ika-21 pangkalahatang panalo at mapapantayan nila ang naitalang 5-Peat ng Mapua Red Robins.


Para naman sa Red Lions, target nilang makumpleto ang 4-Peat at ipagpatuloy ang paghahari sa seniors.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Titulo sa juniors at seniors, susungkutin na ng San Beda


No comments:

Post a Comment