Tuesday, November 26, 2013

Sundalo patay sa pananambang sa Masbate

PATULOY ang isinasawagang hot pursuit operation ng militar sa bulubunduking bahagi ng Barangay Marcella, Uson, sa Masbate.


Kaugnay ito nang nangyaring pananambang kaninang umaga sa isang sundalo na miyembro ng 93rd brigade na nakabase sa lugar.


Ayon kay Legazpi kay 903rd Brigade commander Col. Joselito Kakilala, nasa biyahe ang hindi muna pinangalanang sundalo bandang alas-6:30 ng umaga kanina para sa tinatawag na “procure food provision” sa kanyang unit nang tambangan ng apat na miyembro ng tinaguriang SPARU unit ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan.


Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sundalo habang agad naman na tumakas ang mga NPA.


Sa ngayon, nananatili pa sa unit sa Uson ang katawan ng biktima habang hinihintay na maibiyahe pabalik sa kanyang pamilya.


The post Sundalo patay sa pananambang sa Masbate appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sundalo patay sa pananambang sa Masbate


No comments:

Post a Comment