Saturday, November 9, 2013

Shakey’s V-League All-Star Weekend, uupak

Richard Gomez Volleyball


Pangungunahan ng mga manlalarong napili bilang “most popular players” sa nakalipas na sampung taon ang mga manlalarong sasabak sa itinakdang Shakey’s V-League All-Star Weekend na itinataguyod ng Smart sa darating na Nobyembre 16-17 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.



Hinati ang mga player, sinamahan ng ilan sa mga kasalukuyang manlalaro ng liga, sa dalawang koponan para sa magaganap na All- Star game.


Nakatakdang gabayan ang mga nasabing koponan ng mga coach sa nakaraang finalists ng katatapos na Open Conference na si Nestor Pamilar ng nagkampeong Cagayan Valley Lady Rising Suns at Roger Gorayeb ng runnerup na Smart.


Si Pamilar ang magmamando sa Team Shakey’s na pamumunuan ng anim sa league’s ten most popular player na sina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Rachel Anne Daquis, Aiza Maizo, Suzanne Roces at Angge Tabaquero.


Si Gorayeb naman ang hahawak sa Smart na pamumunuan nina Alyssa Valdes at Charo Soriano, dalawa pa sa ten most popular player, na ibinoto ng fans.


Makakasama ng naunang anim sa Team Shakey’s sina libero Angelique Dionela, Rubie de Leon, Maureen Quano at Tina Salak. Magsisilbi namang mga kakampi ni Valdes sa Smart sina Dindin Santiago, Jovelyn Gonzaga, Maru Banaticla, Jem Ferrer, Jenny Reyes, Gretchel Soltones at Pau Soriano.


Samantala, bago ang laro sa Nobyembre 17, magkakaroon ng skills competition kung saan ay maaring manalo ng mga papremyo ang fans at maging ang mga player na kinabibilangan ng dig relay, dig set and shoot, service shootout, rocket fire, over and under setting, precision spiking and dig at set and shoot.


Nakalaan ang tiket sa halagang P50 sa Nobyembre 16 habang sa Nobyembre 17, ang mga tiket ay nagkakahalaga ng P350 sa ringside, P250 sa lower level at P100 sa upper para sa manunood ng buong araw habang P300, P200 at P50 naman sa mga manunood sa hapon. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Shakey’s V-League All-Star Weekend, uupak


No comments:

Post a Comment