Sunday, November 24, 2013

Security Bank sa Tacloban bukas na, ATM fees naka-waive

BUKAS na ang Security Bank branch sa Tacloban at balik na sa normal ang operasyon.


Pansamantala ring naka-waive ang ATM fees ng mga Security Bank accountholders sa Tacloban at Ormoc, kasama na ang mg kliyente ng bangko na malubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda at gagamit ng ibang bangko para mag-withdraw.


Lahat ng branches ng Security Bank sa mga lalawigang naapektuhan ng bagyong Yolanda ay bukas na rin sa publiko.


Ang mga branch na ito ay ang mga sumusunod: Ormoc Branch (Leyte), Tagbilaran Branch (Bohol), Roxas City Branch (Capiz) Cebu Branches sa Cebu Business Park, Mandaue, Mandaue North Road, Juan Luna, Lapu-Lapu at Osmena, Dumaguete (Negros Oriental), Bacolod at Bacolod-Rizal (Negros Occidental), Iloilo City at Iloilo – Iznart (Iloilo), Catarman (Samar), Puerto Princesa (Palawan), at Calapan (Mindoro).


Ang lahat din ng Security Bank ATM sa mga lugar na nabanggit ay bukas sa lahat ng klase ng serbisyo tulad ng cash withdrawals at iba pang kaukulang transaksyon.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa Security Bank Customer Service Helpline sa 88-791-88, 09178864429 at 09209748647.


The post Security Bank sa Tacloban bukas na, ATM fees naka-waive appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Security Bank sa Tacloban bukas na, ATM fees naka-waive


No comments:

Post a Comment