Saturday, November 2, 2013

POPE FRANCIS’ SOLIDARITY WITH FILIPINOS


May espesyal na puwesto si Pope Francis sa kanyang puso para sa mga Katoliko sa Pilipinas na kanyang tinatawag na “dear nation”. Sa Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican, Rome noong Oktubre 20. 2013, hinimok ng Papa ang mga mananampalataya na idalangin ang Pilipinas. Manalagin palagi, nang walang kapaguran, anang Papa, na nagpaalala sa kanila na “dumalangin sa Panginoon araw at gabi, hindi dahil hindi alam ng Diyos ang ating mga pangangailangan, o hindi dahil hindi Siya nakikinig sa atin, kundi dahil nangangailangan ng tiyaga ang araw-araw na paghihirap.” Kakampi natin ang Diyos, ang pananampalataya sa Kanya ang ating lakas, at ang panalangin ang pagpapahayag ng ating pananampalataya, aniya.


Una rito, noong Oktubre 18, 2013, sa kanyang video address – ang una niyang English message simula nang manungkulan siya noong Marso 19, 2013 – sa mga kalahok sa Philippine Conference on New Evangelization sa University of Santo Tomas, hinimok niya ang lahat ng Katoliko na mahalin ang Simbahan at ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng tao nang may pagpapakumbaba at kasiyahan. “Bring Jesus Christ into the world of politics, business, arts, science, technology, and social media,” aniya, na nanalangin sa Espiritu Santo upang ihatid ang “justice and peace in the Philippines and int he great continent of Asia that is close to my heart.”


Anang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ipinagmamalaki ng Papa ang mga Katolikong Pilipino dahil sa kanilang pananampalataya, at hiniling niya sa kanila na maging liwanag sa Pilipinas at ipalaganap ang pananampalayata sa ibang bansa. Mandato niya sa mga Pilipino ang ipalaganap ang Ebanghelyo ni Jesus, sinabing isang malaking paghamon para sa Simbahan ang kumunekta sa kabataan, ang makiisa sa maralita ng pamilya, at mamuhay nang may integridad bilang isang Simbahan, at gawin ang ipinangangaral nito.


Sa dalawang mahalagang okasyon ng Simbahan kung saan nagbigay ng mensahe ang Papa, hinimok niya ang mga mananampalataya na idalangin siya at, bilang ganti, nangako siyang ipagdarasal din sila sa Mahal na Birhen na kanyang inilarawan bilang Star of the New Evangelization.


Idinadalangin natin si Pope Francis na gabayan nawa siya ng Diyos sa kanyang dakilang espirituwal na misyon ng pagpapastol ng kanyang kawan. Hangad natin para sa kanya ang lahat ng mainam, mabuting kalusugan, at tagumpay sa lahat ng kanyang pagsisikap. Uulitin natin ang pagbabasbas na kanyang sinabi sa mga Pilipino sa Tagalog: Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Asia! Pagpalain kayo ng Diyos!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



POPE FRANCIS’ SOLIDARITY WITH FILIPINOS


No comments:

Post a Comment