Friday, November 1, 2013

Nadal, Djokovic, pasok sa quarterfinals

PARIS (AP)– Kapwa nalampasan nina Rafael Nadal at Novak Djokovic ang nakalabang big server upang umabante sa quarterfinals ng Paris Masters.


Tinalo ni Nadal ang nakaraang taong runner-up na si Jerzy Janowicz, 7-5, 6-4, habang naghabol si Djokovic mula sa pagkakaiwan ng isang set bago binigo si John Isner, 6-7 (5), 6-1, 6-2.



Nakakuha rin ng panalo sina Roger Federer, nagtatanggol na kampeong si David Ferrer, Juan Martin del Potro, Tomas Berdych, Stanislas Wawrinka at Richard Gasquet sa kanilang third round matches.


Tila naging rehearsal ang torneo para sa ATP World Tour Finals, kung saan ang walong quarterfinalists ang siyang walong manlalaro na nakuwalipika para sa kompetisyon sa London sa susunod na linggo.


Nakuha nina Wawrinka at Gasquet ang huling dalawang puwesto sa season-ending event nang mapatalsik ni Berdych si Milos Raonic ng Canada, 7-6 (3), 6-4.


Nabasag ni Nadal ang 6-5 na abante ng katunggali bago pinakawalan ang isang forehand upang makuha ang unang set.


Nagpalitan ang top-seeded na Spaniard at si Janowicz ng mga break sa maagang bahagi ng ikalawang set bago nagkamit ng double fault ang Pole player upang ibigay kay Nadal ang 3-2 bentahe. Nakuha ng U.S. Open champion ang panalo nang lumampas ang forehand ni Janowicz.


‘’I tried to move him, because if he plays in a good position, he has a great shot,’’ sabi ni Nadal. ‘’I think for a moment my return was unbelievable today. I returned amazing balls.’’


Susunod na makakatapat ni Nadal ang Frenchman na si Gasquet na nanaig kontra kay Kei Nishikori ng Japan, 6-3, 6-2.


Nahirapan naman si Djokovic kontra Isner sa unang set nang makakuha ang Amerikano ng anim na break point upang mapuwersa ang tiebreaker at nakuha ang puntos nang lumabas ang backhand ni Djokovic.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nadal, Djokovic, pasok sa quarterfinals


No comments:

Post a Comment