Friday, November 1, 2013

MULING NAMUKADKAD

Baseline floater ni Derrick Rose, nagpanalo sa Bulls vs Knicks


CHICAGO (AP)– Isang baseline floater ni Derrick Rose sa huling 5.7 segundo ang nag-angat sa Chicago Bulls sa 82-81 panalo kontra New York Knicks kahapon sa kanilang unang home game mula nang mapinsala ang kanyang kaliwang tuhod may 18 buwan na ang nakararaan


Agad na nagging malakas ang SixeSi Rose ay nagtala ng 18 puntos sa kanyang 7-of-23 shooting at nagkamit ng apat na turnover.


Ngunit hindi na ikinagulat ng lahat kung kanino napunta ang bola matapos maimintis ni Tyson Chandler ang isa sa kanyang dalawang free throw upang ibigay sa New York ang 81-80 abante, 10.8 nalalabi sa orasan.


Nakuha ni Rose, muntik na hindi makalaro dahil sa pananakit ng leeg, ang pag-atake patungo sa baseline para sa go-ahead basket na nagpatayo sa mga manonood sa United Center mula sa kanilang upuan.


Nagkaroon ng isa pang tsansa ang New York ngunit nagmintis si Carmelo Anthony sa kanyang long jumper.


Si Luol Deng ay nagtapos na may 17 puntos para sa Chicago na naitabla ang kanilang franchise record na limang sunod na panalo sa home opener. Ito rin ang ikaanim na sunod na panalo ng Bulls kontra Knicks.


Naghahabol sa 66-76 ang New York sa nalalabing 7:53, ngunit isang three-pointer ng rookie na si Tim Hardaway Jr. ang nag-umpisa ng 12-0 run ng Knicks. Kumonekta si Raymond Felton, isang dunk ang isinalansan ni Iman Shumpert, at isang turnaround jumper ang naipasok ni Anthony upang ilagay sa unahan ang New York sa huling 4:10.


Ang huling bahagi ng laro ay kinakitaan ng mga turnover at nagmintis na attempts, ngunit nagawa ng Chicago na manatiling nakalutang sa likod ni Rose na nakaiskor ng huling dalawang field goal sa Bulls sa final period.


Nagtapos si Jimmy Butler na may 11 puntos at 10 rebounds para sa Chicago, natalo sa nagtatanggol na kampeong Miami, 95-107, sa kanilang season opener noong Martes.


Nagdagdag si Carlos Boozer ng 14 puntos at 7 boards.


Pinangunahan ni Anthony ang New York sa kanyang 22 puntos mula sa 8-of-24 shooting.


Humakot naman si Chandler ng 19 rebounds, ngunit nabigo ang Knicks na buksan ang season na makakuha ng magkasunod na panalo sa magkasunod na laro. Sila ay nagmula sa 90-83 panalo laban sa Milwaukee noong Miyerkules.


Ito ang unang laro ni Rose sa homecourt ng Bulls mula nang mapunit ang kanyang anterior cruciate ligament sa unang laro ng 2012 playoffs laban sa Philadelphia. Sinundan ito ng matagal na rehabilitasyon na naging daan para sa mga pag-aalangan tungkol sa kanyang tibay nang mabigong magbalik noong nagdaang season.


Malinaw na sinasanay pa ni Rose ang sarili at nangangapa pa ang kanyang mga kakampi sa paglalaro na muling kasama ang kanilang All- Star guard.


Nagmintis si Rose sa kanyang unang apat na attempt bago nailusot ang dalawang driving layups sa unang quarter. Siya ay nagkasya lamang sa 2-for-11 mula sa field sa unang half, ngunit umangat naman si Deng para sa 12 puntos upang tulungan ang Chicago na makuha ang 43-38 na bentahe sa halftime break.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MULING NAMUKADKAD


No comments:

Post a Comment