Friday, November 8, 2013

Klase sa Visayas, S. Luzon at NCR, sinuspinde

Kinansela ang klase sa mga paaralan sa maraming lalawigan sa Visayas, Southern Luzon at Metro Manila bunga ng paghagupit ng bagyong “Yolanda” kahapon.


Noong Huwebes ng gabi, mahigit 10 lugar sa Visayas ang nasa ilalim ng Signal No.4 habang Signal No. 2 naman ang Metro Manila at karatig-probinsiya ng madaling araw ng Biyernes.



Dahil dito walang pasok sa lahat ng antas ang Albay, Angeles City, Pampanga, Bacolod, Batangas, Butuan City, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Compostela Valley, Laguna, Pulilan sa Bulacan, Quezon Province, Rizal, Romblon, Surigao del Norte, Tagaytay City at Tagum City, Davao del Norte.


Nakansela rin ang klase sa mga paaralan sa mga lungsod ng Manila, Makati, Marikina, Mandaluyong, Muntinlupa, Las Pinas, Pasay, Paranaque, Pasig, San Juan at Pateros.


Naglabas din ng suspensiyon ng klase sa unibersidad at kolehiyo sa Ateneo de Manila University, Far Eastern University, De La Salle campuses, Philippine Women’s University (Taft & JASMS QC), Technological Institute of the Philippines (QC) at University of the Philippines (Diliman, Visayas-Miag-ao at Tacloban).


Dakong 12:00pm kahapon kinansela naman ng Supreme Court ang pasok sa mga korte sa National Capital Region (NCR) dahil pa rin sa sama ng panahon. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Klase sa Visayas, S. Luzon at NCR, sinuspinde


No comments:

Post a Comment