Saturday, November 2, 2013

Kapitan sa Tondo binaunan ng 3 bala sa ulo

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin habang nasa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.


Kinilala ang biktimang si Armando Ramos ng Brgy. 209 Zone 19 ng Severino Reyes St., Tondo, Manila, habang patuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek.


Batay sa ulat, alas-9 ng gabi nang pagbabarilin si Chairman Ramos sa harap mismo ng kanyang bahay.


Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng ilang residente sa nasabing lugar, at nang humandusay sa semento si Chairman Ramos, dali-dali siyang isinugod sa Chinese General Hospital pero hindi na umabot nang buhay, dahil sa tama ng bala sa ulo at sa katawan.


Kasalukuyang barangay Chairman si Ramos at nitong nakaraang barangay election ay minalas na matalo laban kay Rudy Cruz, may-ari ng Cruz Funeral Parlor.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Kapitan sa Tondo binaunan ng 3 bala sa ulo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapitan sa Tondo binaunan ng 3 bala sa ulo


No comments:

Post a Comment