Saturday, November 23, 2013

ICC sticker, hanapin sa Christmas lights

Pinaalalahanang muli ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bilhin lang ang mga Christmas lights na sertipikado ng kagawaran upang makaiwas sa anumang sakuna, gaya ng sunog, ngayong Pasko.


Tanging ang mga brand ng imported Christmas light na pumasa sa mahigpit na pagsusuri para sa kalidad na itinakda ng Bureau of Product Standards (BPS) ng DTI ang naisyuhan ng import commodity clearance (ICC).



Pinayuhan ang publiko na tingnan ang ICC sticker sa pagbili ng Christmas lights at maging mapanuri laban sa mga peke at tampered sticker ng mga produktong nagkalat ngayon sa mga tiangge at pamilihan.


Nananatiling epektibong paalala sa publiko ang lumang kasabihan na “better be safe than sorry”, pangunahing dapat ikonsidera ang kalidad dahil ang extra money na ipinambayad sa DTI-certified lights ay laging maayos na paggugol ng salapi.


“Remember, no investment you make is wiser than those which ensures safety for those whom you hold dearly— your home and your family,” ayon sa DTI. Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ICC sticker, hanapin sa Christmas lights


No comments:

Post a Comment