Monday, November 4, 2013

Hindi makapag-aral, 12-anyos nagbigti

DAHIL sa kahirapan at hindi na maipagpatuloy ang pag-aaral ang dahilan kaya nagbigti ang 12-anyos na binatilyo sa Gapan City, Nueva Ecija, Linggo ng hapon.


Kinilala lamang ang biktima na si “Rene.”


Ayon sa nanay ng biktima, tanghali nitong Linggo nang makita niya ang anak na nakabigti na.


Bago ang pagpapakamatay ng biktima ay sinasabing ikinasama ng loob nito ang pakiusap ng kanyang mga magulang na huminto muna sa pag-aaral dahil kinakapos sila sa pera.


Lalo pang nagipit ang pamilya ni Rene nang wasakin ng Bagyong Santi ang kanilang bahay .


The post Hindi makapag-aral, 12-anyos nagbigti appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi makapag-aral, 12-anyos nagbigti


No comments:

Post a Comment