Ni Reggee Bonoan
NAKATANGGAP kami ng email na tumatalakay tungkol sa head ng Cinema One na si Mr. Ronald Arguelles na may favoritism daw sa mga sumasali sa taunang Cinema One Originals indie film festival.
Narito ang nilalaman ng email:
“May power-tripping ba sa Cinema One? nang taon na rin siyang head ng festival at ang image nga niya ay patron siya ng indie films. “Present siya at suportado niya kahit ang mga kalabang festivals tulad ng Cinemalaya. Pero ano itong consistent na naririnig namin na for the past few months ay sobrang dismayado ang mga napiling filmmakers na kalahok this year sa pamamalakad, pakikialam at pagmamando ni Mr. Arguelles?
“Tanggap na nga ng mga kalahok na filmmakers na habang buhay silang walang karapatan sa pag-aari ng mga pelikulang nililikha nila dahil nu’ng pumasok sila bilang finalists ay nai-waive na nila ang rights sa films nila at dahil ito ang nakasaad
sa kontratang pinirmahan nila.
“Sabi ng mga kalahok na nakausap namin, after nilang makapasok ay pinakialaman pa rin ang script nila at ipina-revise ayon sa gusto ng festival head at ng kanyang mga galamay.
“Say ng isang mahiyain at kiming filmmaker, ‘Hindi ba kaya nga kami napili ay dahil sa merit ng script na isinubmit namin? E, bakit kailangang ipa-revise ayon sa kanyang kagustuhan? Pakiramdam ko, kung sino lang ang kaya nilang tarayan at i-manipulate, ‘yun lang, takutan baga. ‘Yung ibang beterano na scriptwriters nga na pumasok, hindi nila minamanduhan.
” Alam n’yo po, siya ang dahilan ng mga delay ng maraming produksiyon dahil sa matinding pakikialam. E, wala pa naman siyang napapatunayan dahil sa tagal na rin ng festival niya ay wala pa ni isang pelikula ang kumita.”
“Dagdag pa ng isang beteranong director na nakapasok, ‘Aba, akalain mong ipagdutdutan ang mga artista ng network sa pelikula ko, e, mga bano namang umarte. Siyempre pangalan ko ang nakataya at may karapatan naman akong mamili ng mga artistang gaganap sa mga character na gawa ko, hindi ba?
”’Pero hindi, ni-reject nila ang mga gusto kong artista. Wala po akong magawa kasi hindi ia-approve ang film at hindi ibibigay ang installment ng financial grant kung hindi kami sumunod’.
“Ito ang mga specific na nasagap naming halimbawa. Tinanggal pala ang isang first time sanang aktres na si VJ Joyce na isa ring model sa commercials at ang ipinagpilitan ay ang red-haired na si Yeng Constantino na ilo-Iaunch daw as an actress.
“Pangalawa, napag-alaman namin sa isang director ng soap opera na si Cris Villanueva na mahigit 30 years na sa industriya at nakatrabaho na ang pinakamahuhusay na mga director tulad ni Mike de Leon ang inilaglag din ng head ng Cinema One at ng kanyang team.
“Ipinagpaalam na raw si Cris sa soap opera niya ng isang linggo pero hindi natuloy kasi hindi daw inaprubahan ng head si Cris. Alam n’yo ang ipinalit, isang dancer / gag show host na wala pang pruweba sa aktingan – si John Prats.
“Sabi ng isa pang baguhang bagets na director: ‘Kung talagang mahal niya ang mundo ng in die at sinasabing sinusuportahan niya ang indie actors, bakit siya ang nagdedesisyon kung sino ang ika-cast namin?
“Porke sila ang producer? Inalisan niya kami ng basic right sa pagiging director. Kaya heto, naghahabol kami sa post production namin ngayon dahil sa delays na sila ang gumawa. Imagine, mahigit two months ang nawala dahil ayaw niya ng cast na gusto namin?”
“May nasagap din kami na kaya nakapasok ang isang director bilang kapalit ng isang nag-backout na entry ay dahil sa pumayag siyang palitan lahat ng main cast na gusto niya at iluklok ang tatlong network contract stars na idinikta ng Cinema One. ‘Wala naman akong choice, eh,’ sabi ng director na nakausap namin.”
Matitindi ang mga paratang na ito kay Mr. Ronald Arguelles kaya kaagad naming kinuha ang panig niya kahapon at mabilis naman siyang nagpaliwanag.
“Sino ba ‘yang nagrereklamo na ‘yan? Parang malabo naman yata ‘yan?” sabi niya. “Tinutulungan ko sila sa casting’ pag nagtsichange na sila kasi kunyari meron silang casting na hindi nakuha, tumutulong ako kung sino dapat ang kunin or mas malaking artista, commercially viable.
“Kasi ‘yung pera naman kasi is budget coming from us, it’s a grant, so they have to know that, hindi ‘yun power-tripping on my part.
“So tinutulungan ko sila, anyway, hindi naman ako nagpipilit kung ano’ yung casting na gusto ko, kasi last minute sa kanila pa rin ang final decision. Wala rin naman akong magagawa kung sino ang gusto nila. I don’t think naiintindihan nila ‘yung scope ng role ko (as head),” paliwanag mabuti ni Mr. Arguelles.
Nabanggit namin ang pelikulang Shift ni Yeng Constantino na dapat sana ay si VJ Joyce ang bida, pero ipinilit daw ng Cinema One head na ang singer ang gumanap.
“Actually, I was the one who told them na si Yeng is interested and they are all excited, so iyon,” mabilis namang sagot sa amin.
“Yung John Prats, hindi sa akin nanggaling ‘yun, kasi I heard, John is a last minute choice kasi hindi nila makumpleto ‘yung casting, so last minute na ‘yun nangyari. Kaya nga nagulat ako na si John na pala, actually nabanggit ko rin si John, pero hindi ko alam na siya na ‘yung kinuha nila,” paliwanag ulit ng executive ng Cinema One.
Samantala, tinanong din namin ang kampo ni Yeng tungkol sa isyu na ipinagpilitang maging bida siya sa Shift.
“Ang alam ko, ‘yung direktor mismo ang pumili kay Yeng at hindi naman siya ilo-Iaunch as an actress, gusto lang niyang gumawa ng isang indie film at hindi naman niya planong maging aktres kasi singer siya,” kuwento sa amin.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment