Saturday, November 9, 2013

Gasolina, diesel may rollback

SIMULA kaninang alas-12:01 ng madaling-araw ay nagbaba ang Shell ng P0.60 sa presyo ng kada litro sa kanilang gasolina, P0.60 sa diesel at P0.70 sa kerosene.


Maging sa Cebu at Bohol ay nagtapyas din sila ng P0.60 kada litro sa gasolina habang P0.25 lamang ang ibinawas sa diesel at P0.50 sa kerosene.


Bukod sa Shell ay nagbawas din ng presyo sa kanilang produkto ang Petron.


Kaninang alas-6:00 naman ng umaga nang sumunod ang Phoenix Petroleum Philippines na nagbawas ng P0.60 sa kada litro ng gasolina at diesel.


Mamayang ala-1:00 naman ng hapon ay magbabawas-presyo ang Total ng P0.60 sa kada litro ng gasolina sa lahat ng istasyon. P0.60 sa diesel sa Luzon at P0.25 sa Cebu.


Ang tapyas-presyo ay dahil sa paggalaw ng presyo ng petrolyo sa world market.


The post Gasolina, diesel may rollback appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gasolina, diesel may rollback


No comments:

Post a Comment