Wednesday, November 20, 2013

Consumers gagastos para maibalik ang suplay ng kuryente

AAKUIN ng publiko ang mga gastusin para maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda.


Aabutin pa ng ilang buwan bago maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente, pero ngayon pa lamang ay nagpasabi na ang gobyerno na aakuin ng publiko ang gastos para rito.


Ayon kay Energy Sec. Jerico Petilla, mahigit 200 malalaking transmission lines ang sinira ng super typhoon na ngayon ay sinisikap pang ayusin ng National Grid Corporation of the Philippines.


Sakaling magkakaroon ng surcharges para rito, iaakyat ito sa Energy Regulatory Commission (ERC) para maipasa sa mga konsyumer.


Gayunman, sinabi ni Petilla na titingnan nila kung maaaring magamit ang nalikom na savings mula sa Malampaya Funds sa napakalaking gastos nang rehabilitasyon.


Tinukoy din ng kalihim na mayroong insurance ang mga nasirang linya pero hindi ito sapat.


Una na ring tumulong ang ilang electric cooperatives mula sa Mindanao para agarang makumpuni ang mga nasirang linya.


Target naman ng DOE na maibalik ang power supply sa mga binagyong lugar bago ang araw ng Pasko.


The post Consumers gagastos para maibalik ang suplay ng kuryente appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Consumers gagastos para maibalik ang suplay ng kuryente


No comments:

Post a Comment