Saturday, November 2, 2013

BBC inilunsad

Nobyembre 2, 1936, inilunsad ang British Broadcasting Corporation (BBC) sa London, United Kingdom.


Kilala bilang British public service broadcasting statutory corporation, ang BBC ay ang unang regular public television service sa mundo na naghahatid ng mataas na antas ng image resolution.



Direktang nagpapadala mula sa Alexandra Palace sa London, sa radius na 25 milya, pinalitan nito ang pangalan sa BBC TV.


Ang state broadcasting company ay patuloy na nagseserbisyo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga tagapagtatag nito ay sina George Villiers, 6th Earl ng Clarendon; at John Reith, 1st Baron Reith.


Sa napakahabang panahon nito sa media industry, ang BBC ay umani na ng maraming pagkilala, gaya ng Peabody Award, Satellite Award for Best Miniseries, Satellite Award for Best Television Film, at British Academy Television Special Award. – Mark Anthony O. Sarino/ MB Research


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BBC inilunsad


No comments:

Post a Comment