Saturday, November 9, 2013

Barangay election sa Zambo at Bohol hiling na ideklarang special non-working holiday

NANAWAGAN ang Commission on Elections (COMELEC) kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na gawing special non-working holiday ang idaraos na special barangay elections sa Zamboanga City at Bohol.


Batay sa resolusyon ng COMELEC, iginiit ng poll body sa pangulo na mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang mga botante roon na makapaghalal ng karapat-dapat na lider ng kanilang mga barangay kaya dapat lamang na ideklarang holiday ang Nobyembre 25, na araw ng special barangay polls.


Nauna rito, ipinagpaliban ng poll body ang halalan sa Zamboanga City kasunod ng naganap na kaguluhan roon dulot ng bakbakan ng pwersa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari wing habang sa Bohol naman ay ipinagpaliban ang eleksiyon dahil sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol.


The post Barangay election sa Zambo at Bohol hiling na ideklarang special non-working holiday appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barangay election sa Zambo at Bohol hiling na ideklarang special non-working holiday


No comments:

Post a Comment