Sunday, November 17, 2013

Babae, nasawi sa maling tsunami alert

GENERAL SANTOS CITY – Isang 49-anyos na babae ang namatay makaraang atakehin sa puso kasunod ng alarmang idinulot ng sabi-sabi ng isang tsunami sa baybayin ng lungsod na ito at sa kalapit na Sarangani.


Ayon kay Rene Punzalan, provincial disaster risk reduction management officer ng Sarangani, namatay sa atake sa puso si Maria Luisa Robles matapos na mag-panic ang mga residente ng Barangay Kawas sa Alabel kasunod ng ulat na magkakaroon ng tsunami sa lugar, madaling araw kahapon.



Nilinaw naman ng mga opisyal ng Sarangani na itinanggi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagpalabas ito ng tsunami alert sa Sarangani Bay. – Joseph Jubelag


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Babae, nasawi sa maling tsunami alert


No comments:

Post a Comment