Sunday, November 24, 2013

Arles, tumapos sa ikawalo sa BWC

KRASNOYARSK, Russia– Humulagpos si Maria Lourdes (Mades) Arles ng Pilipinas sa kanyang napakahalagang pagkakataon nang magwagi lamang ito ng dalawang matches sa quarterfinal round at tumapos na mnasa ikawalo sa women’s division ng 49th QubicaAMF Bowling World Cup international finals kahapon sa Sibiryak Center dito.



Si Arles ay nakapagtala ng 9037 pins sa 40 mga laro upang mag-average ng 225.93.


Ang iba pang Filipino representative sa prestihiyoso, gruelling individual kegfest, ay si Benshir Layoso, tumapos na nasa ika-17th sa men’s group na taglay ang 7390 pins sa 32 mga laro.


Sina Canada’s Caroline Lagrange at Israel’s Or Aviram ang tinanghal na women’s at men’s champions ngunit pinaabot ng tatlong matches ang finals ng kanilang mga rivals.


Dinispatsa ni Lagrange si Singapore’s Cherie Tan, 2-1 (242-207, 212-247, 215-213) upang maging ikaanim na Canadian woman, at ikasampung Canadian overall, upang kamkamin ang korona.


Napasakamay ni Tan ang spot nang pataubin si Dominican Republic’s Aumi Guerra, 2-0 (214-208, 247-212).


Isinakatuparan ni Or ang unang knocked out kay Russian Alexei Parshukov 2-0 (213-171, 220-206), bago pinagulong si South Africa’s Guy Caminsky, 2-1 (279-245, 214-277, 258-182).


Matapos ang kanyang nerve-shattering two-pin win sa deciding match, sinabi ni Lagrange na: “This is probably the best win of my life. It’s unbelievable.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Arles, tumapos sa ikawalo sa BWC


No comments:

Post a Comment