Friday, November 1, 2013

Anne Hathaway, nagmaldita?

INAKUSAHAN si Anne Hathaway ng pag-aastang diva at pagmamaldita bago dumalo sa isang charity event.


ANNE Hathaway Sinasabing ang bituin ng Les Miserables ay nagbigay ng mahabang listahan ng mga kahilingan bago pumayag na dumalo sa Pink Party Gala sa Santa Monica noong Oktubre 19.


Sinabi ng isang source sa In Touch magazine na ang Oscar-winner’s team ay ‘’really concerned’’ na dudumugin siya ng fans para magpakuha ng litrato at autograph sa event, at isang email ang ipinadala sa staff na naglilitanya ng istriktong guidelines.



Dagdag ng insider: ‘’Everyone was asked not to talk to her.’’ Nakakuha ang gossip website na RadarOnline.com ng email, at sinabing ang ibang bituin na dumalo sa event ay hindi naman humingi ng mga demand kagaya ni Anne.


Nakasaad sa email ng staff: ‘’I know in the past our hosts have mingled in the party, but each person is different. We are trying to respect her space.’’


Isa pang source ang nagsabi na kahit sumunod naman ang staff sa mga listahan ng demand ni Anne, nagsusuplada pa rin ang aktres.


Sabi ng source: ‘’She was so rude and acted like a b***h to a few people she did speak to. She just sat there rolling her eyes all night.’’


Dumalo rin si Anne, 30, sa Victory Fund Champagne Brunch sa Beverly Hills kasama ng kanyang asawang si Adam Shulman, noong Oktubre 20, at napaiyak siya sa entablado nang ipakilala niya ang cancer specialist na si Dr. Beth Karlan, na kamakailan ay tumulong sa isa niyang kaibigan para gumaling sa sakit. – Bang


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Anne Hathaway, nagmaldita?


No comments:

Post a Comment