Saturday, November 9, 2013

2 bayan sa Aurora, 3 buwan nang walang kuryente

CASIGURAN, Aurora – Dismayado ang mamamayan sa mga bayan ng Dilasag, Casiguran at Dinalungan (DICADI Area) sa umano’y masamang serbisyo ng kuryente sa nakalipas na tatlong buwan.


Sa Casiguran, napaulat na halos dalawa hanggang limang oras lang ang supply ng kuryente, samantalang sa Dilasag at Dinalungan ay tatlong buwan nang walang kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Labuyo.’



Nangangamba ang ilang mamamayan sa posibilidad na masira o tuluyan nang hindi mapakinabangan ang kani-kanilang appliances dahil sa hindi maayos na supply ng kuryente.


Ayon naman kay Engr. Angelo Teh, ng Aurora Electric Cooperative (AURELCO)- Casiguran Substation, hindi pa naisasaayos ang ilang linya at poste ng kuryente na ibinuwal ng Labuyo.


“Bumigay din ang linya malapit sa mismong makina na nagsu-supply ng kuryente sa Barangay Esteves kaya nahihirapan kaming i-trace o tuntunin ang sira nito,” ani Teh.


Siniguro naman ng pangasiwaan ng AURELCO na sa lalong madaling panahon ay maibabalik na ang normal na serbisyo sa mamamayan sa DICADI, lalo na ngayong malapit na ang Pasko. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 bayan sa Aurora, 3 buwan nang walang kuryente


No comments:

Post a Comment