IPINAHAYAG ng isang eksperto na pangkaraniwan lamang at hindi world class ang ipinatayong Makati carpark.
Ani Australian National Greg Jackson, quantity surveyor, pangkaraniwan lang ang at standard ang ipinatayong kontrobersiyal na Building 2 ng Makati City Hall.
Kung pagbabatayan ang mga materyales na ginamit, aktuwal na disenyo at overall finishing ay maituturing itong average na gusali.
Ito rin ang naging obserbasyon ni Architect Danilo Alano ng Philippine Institute of Architects.
Maliban dito, kasama rin sina Senators Koko Pimentel at Antonio Trillanes IV ng quantity surveyor, architects, engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at kinatawan ng Philippine Contractors Association.
Sa pagtaya naman ni property appraiser Frederico Cuervo, batay sa market value ng lupa noong 2012, ay nagkakahalaga ng P23,000-P27,000 ang kada square meters hindi 84,000 per square meters.
Ayon naman sa mga Engineer ng DPWH, ang talagang sukat ng gusali ay 27,630 square meters at hindi 31,920 square meter floor space na sinabi ng lungsod ng Makati. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment