Monday, September 1, 2014

Price hike sa diesel at gasolina, ipinatupad ngayong araw

IPINATUPAD ngayon ng oil companies ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw, Martes, Setyembre 2.


Lumarga kaninang alas-6:00 ng umaga nang ipatupad ang P0.65 kada litrong dagdag-presyo sa gasolina ng Shell, Petron, Seaoil, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.


P0.25 kada litro naman ang kanilang umento sa diesel, habang ang Shell, Petron, at Seaoil, may P0.15 dagdag-presyo pa sa kerosene.


Gayunman, bumaba ang presyo ng LPG ng Petron.


P0.39 kada litro ang kanilang rollback sa auto LPG habang P0.70 kada kilo o P7.70 sa kada 11-kilong tangke ng LPG. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Price hike sa diesel at gasolina, ipinatupad ngayong araw


No comments:

Post a Comment