Saturday, September 27, 2014

Pacman muling binully ni Mayweather

PANIBAGONG pang-iinsulto na naman ni US boxer Floyd Mayweather, Jr. ang ibinato laban kay Filipino boxing icon Manny Pacquiao matapos mag-post sa kanyang social media account na nagpapakita ang larawan ni Pacquiao na nakahiga ng tatlong beses.


Nakalagay sa nasabing social media account ng boksingero ang mga katagang “My new boxing DVD is coming soon and is called ‘3 Ways to Sleep’. Back, Face and Butt and I’m Falling & I Can’t Get Up. Miss Pac Man is broke and desperate for a pay day. Your Pay-Per-View numbers are a joke.”


Ang nasabing pambu-bully ay lumabas pagkatapos ang mainitang pagluluto ng laban ng dalawa at ang naging reaksyon ni Pacman sa huling laban ni Mayweather kay Marcus Maidana ganun din ang pag-akusa ng ama ni Floyd na gumagamit ng iligal na droga ang Filipino boxing icon. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman muling binully ni Mayweather


No comments:

Post a Comment