NATIMBOG ng mga awtoridad ang public school teacher na nasa top 5 most-wanted sa Pangasinan dahil sa kinakaharap na 3-counts ng kasong child abuse.
Naaresto ang gurong suspek na si Mr. Julio Bocauto, 34, ng Sitio Casubiduan Bgy. Bugayong, Binalonan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Honorable Judge Tita Villarin, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 49 sa Urdaneta City.
Nahaharap sa tatlong beses na paglabag sa RA 7610 o The Special Protection For a Child Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng kapulisan matapos mabigong makapagbayad ng piyansa. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment