Monday, September 1, 2014

ANG MULING PAGPIHIT NI PEPE

MARAMI ang batikos laban sa ipinatatayong building ng DMCI sa Taft Avenue sa Maynila.


Nakasisira raw sa view ng monumento ni Rizal sa Luneta.


Nagpa-picture pa nga si Senator Pia Cayetano sa Rizal Monument at nasa likod nga ang ginagawang building ng DMCI. Eye sore raw.


Hindi bago sa akin ang isyung ito. Noon sa QC ay matinding kinontra rin ang building na itinayo sa likod ng City Hall dahil wala raw dapat structure na mas mataas pa sa QC Hall.

Pero nangyari rin.


Sa isyu ng DMCI building sa Taft Avenue, may magandang suggestion ang staff ko na si Rey Morales. Dating tour guide si Rey at sabi nya ang isa sa highlight ng tour sa Luneta lalo para sa mga foreign tourist ay ang picture-taking sa harap ng bantayog ng ating pambansang bayani.


Hindi na nga naman magandang photo opportunity ang monumento ni Rizal dahil sa mataas na DMCI building na makukuha sa picture.


Pero sabi ni Rey, pwede namang masolusyunan at maging win-win para sa lahat.


Ani pa ni Rey, hindi ba noong binaril si Rizal ay pumihit siya para harapin ang mga executioner at salubungin nang nakaharap ang bala? Bakit daw hindi muling ipihit si Rizal para sa kanyang ikalawang pag-ikot?


Sa ganitong paraan, muling magiging magandang photo-taking site ang monumento dahil hindi na tatamaan ang DMCI building sa picture ang magandang sunset na ang background kung sa Taft nakaharap si Rizal.


At ang magiging partisipasyon ng DMCI ay gastusan ang pag-develop at pagpa-improve ng Luneta bilang National Park.


Noon isa ang Luneta sa pinakasikat na parke sa Asya pero napag-iwanan na ng panahon.


Bakit hindi ang DMCI ang magpondo para maipaayos ang monumento ni Jose Rizal at ang pagpapagawa ng Luneta para bumagay sa estado nya bilang national hero?


Win-win situation. Maaaring para sa ikabubuti ng Luneta ay pumayag ang alaala ni Rizal na ipihit siyang muli, sa ikalawang pagkakataon, kung para sa kanyang mahal na bayan.


Ano sa palagay ninyo, mga kababayan ko?


***

Mag-email sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


.. Continue: Remate.ph (source)



ANG MULING PAGPIHIT NI PEPE


No comments:

Post a Comment