USAP-USAPAN ang resulta ng lumalabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit na si Agricultural secretary Proceso Alcala ang may pinakamalaking kinita sa hanay ng gabinete ni presidente Aquino noong nakaraang taon.
Ayon sa report ng salaries and allowances ng COA, lumalabas na P4.2-M ang kinita ni Agriculture Secretary Proseso Alcala noong 2013.
Kasama na dito ang mahigit P1-M sa basic salary o sahod, P29 na honorarya, mahigit P500,000 allowances, P1000,000 bonuses, P300,000 indiscretionary funds, at mahigit P2-M ang naging sahod bilang chairman ng National Food Authority (NFA).
Dahil dito, sinimulan na rin ng DoJ na silipin ang kaso kung sangkot si Alcala sa pork barrel scam kasama na si Atty. Butch Abad.
Una nang inakusahan si Alcala ng Students and Youth Act na naglaan ito ng P75-M sa bogus na NGO.
Maliban sa nasabing kaso, sablay din si Alcala sa kanyang pwesto dahil na rin sa hindi mapigil na pagtaas ng presyon ng bigas sa ating bansa.
Una rito, sinabi ni presidente Benigno Aquino III na tila may sabwatan sa bentahan ng produktong bigas kaya hindi mapigil ang pagtaas ng presyo.
Maliban sa mataas na presyo ng bigas, bawang at luya ay tumaas na rin sa presyo ng bilihin gaya ng itlog, gatas at asukal.
The post Sec. Alacala, natuklasang may pinakamalaking kinita noong 2013 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment