Tuesday, June 24, 2014

Mag-asawang titser, dinukot sa Lanao del Norte

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang grupo ng mga suspek na responsable sa pagdukot sa mag-asawang guro sa bayan ng Pantao Ragat, Lanao del Norte.


Kinilala ang mga biktima na sina Aslaime at Nait Pangader, kapwa ng nasabing lalawigan.


Sinabi ni Lanao del Norte provincial director S/Supt. Madid Paitao na dinukot ang mga biktima sa isang grupo na pinamunuan ni Majid Abuat.


Sinabi ni Paitao na sa inisyal nilang pag-iimbestiga, lumalabas na dinukot ang mga biktima dahil sa kabiguan nitong makapagbayad ng kanilang maraming nautangan.


Ayon pa sa opisyal na hindi pa malinaw kung sino sa mga nautangan ng mga biktima ang nag-utos sa grupo ni Abuat na sila’y dukutin.


Sa ngayon ay nagsagawa ng rescue effort ang pulisya at militar laban sa mga suspek na nagtatago sa bukiring bahagi ng Lanao del Norte.


The post Mag-asawang titser, dinukot sa Lanao del Norte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-asawang titser, dinukot sa Lanao del Norte


No comments:

Post a Comment