Wednesday, June 25, 2014

BALIKTAD

sibol5 TULAD ng inaasahan, hindi matapus-tapos ang mga komento tungkol sa kondisyon ng kulungan sa bansa dahil nga sa mga nakakulong na mga sikat na personalidad sa pulitika.


Naglaan ang media ng mahabang oras para talakayin ang isyu, nag-imbita ng iba’t ibang opinyon.

Naging kontrobersyal syempre dahil sa reklamo na maraming daga at ipis at mainit ang mga kulungan, sinabayan pa ng pagdedemanda ng mga dati nang nakakulong na ang mga bagong superstars daw na mga preso ay binibigyan ng espesyal na trato kumpara sa kanila.


Napakinggan na natin ang lahat ng opinyon, ang pinakamaingay talaga ay ang pananaw na may special treatment ang mga senador at dapat daw huwag sila bigyan ng ibang kulungan at ihalo sila sa mga ordinaryong kulungan ng mga ordinaryong kriminal.


Una, akusado pa lang ang mga senador at hindi pa nalilitis at nahuhusgahan. Pero sa aking palagay ay baliktad ang perspective tungkol sa kung patas nga ba ang pagtrato sa mga senador kumpara sa mga ordinaryong mga inmates.


Para sa akin ay baliktad. Hindi dapat na ibaba sila sa pangit na kondisyon ng ating mga kulungan kundi dapat ay itaas ang mga nasa mababang kalagayan at itulad sa kondisyon na kinalalagyan ngayon ng mga akusadong senador.


Napakasama talaga ng kondisyon ng ating mga kulungan, hindi makatao at hindi makatarungan. Sa QC na lang, halos 3000 preso ang nagsisiksikan sa mga kulungan na ginawa para sa 800 katao lamang.

Nakita ng mamamayang Pilipino ang kondisyon ng ating mga kulungan at nagalit sila sa parang special treatment daw sa mga bagong akusado.


Para sa akin, hindi dapat tingnan na special treatment iyon, kundi ‘yun dapat ang treatment na nararapat para sa lahat.


Sa ibang bansa, kakainggitan natin ang kondisyon ng mga preso sa maayos at malinis na mga kulungan.


Dito sa atin, ang gusto ng ilan ay ibaba ang kondisyon ng mga bagong akusado sa lumang antas ng mga kulungan, imbes na itaas ang kalagayan ng karamihan sa antas na tinatawag na “special treatment”. Baliktad diba.


The post BALIKTAD appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BALIKTAD


No comments:

Post a Comment