Wednesday, June 25, 2014

5 banyagang wanted, nasakote ng BI

NASAKOTE ng Bureau of Immigration (BI) ang limang foreign fugitives kabilang ang isa sa most-wanted criminal ng Amerika matapos ang ilang buwang surveillance sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.


Kinilala ni BI Commissioner Siegfred Mison ang mga suspek na si Elbert Kyung Ma alyas Andrew Lee; Jeffrey Louis Ochs; Charlie Alog; Michael Robert Cronin at Danielle Nopuente.


Nabatid na si Ma, 32, na dumating sa bansa mula Amerika gamit ang tourist visa noong July 2011 ay wanted dahil sa pagpatay at naaresto sa Barangay Commonwealth, Quezon City.


Nadakip naman ng BI at mga operatiba mula U.S. Embassy sa DasmariƱas, Cavite ang 53-anyos na si Stokes na wanted dahil sa identity fraud.


Nakatakda namang ipa-deport ang lima sa Estados Unidos.


The post 5 banyagang wanted, nasakote ng BI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



5 banyagang wanted, nasakote ng BI


No comments:

Post a Comment