Saturday, November 30, 2013

Bra-less and panty-less, Alice Dixson ‘nagwala’ at the age of 44!

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Alice Dixson is presently the woman of the hour and is being avidly talked about by virtue of her super daring pictorial for FHM mag. Kung si Jennylyn Mercado nga raw na isa nang babaeng ina ay napaka-demure ng pictorial at hindi naman talaga nagpaka-daring, Ms. Alice has practically left nothing to the imagination with her too revealing poses. Hahahahahahahaha!


Imagine, bra-less siya and panty-less to boot. Hahahahahahahahahahaha!

Hubo-tabo talaga and it leaves practically nothing to the imagination of most people.

Ikaw na talaga, Alice Dixson! And I hope it brings favorable results to boot.


Kunsabagay, Joan Colins was practically her age when she did that controversial soap Dynasty on television way back during the mid-80′s and to say that it made her would be a huge understatement.

I just hope that Alice’s ‘brazennes’ gets the end-product that she had in mind.

Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!


Going back to her FHM cover, nakapaninindig talaga ito ng balahibo so to speak. Harharharharhar!

To say na kinabog niya ang practically lahat ng cover girls ng nasabing mag would be an understatement. Hahahahahahahahahahahaha!


Nilampaso talaga niya ang mga chicks na 20 years her junior dahil kaibig-ibig pa rin naman ang curve ng kanyang katawan and she was appetizingly photographed and gorgeously lighted to say the least.

To say the least daw, o! Hahahahahahahahahaha!

‘Yun na!


Kabogera siyang tunay! Harharharharharharhar!

Ikaw na, Alice Dixson at wala nang iba pa!

Hahahahahahahahahahaha!


PASABOG NI CRISPY CHAKITA, ‘DI KAYA KURYENTE?


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Pinilit-pilit daw ni Bubonika ang lola ni Charice Pempengco para magpa-interview sa ratingless (ratingless daw talaga, o! Hahahahahahahahaha!) nilang Police Chorva para manggulat (manggulat daw, o! Hahahahahahahahaha!) at mag-create ng awareness ang supposedly sizzling chika nito on her granddaughter Charice.


Say raw ng lolaska ni Charice, dahil daw sa despondency dahil penniless na raw supposedly ang kanyang apo, nag-attempt daw itong mag-suicide by way of slashing her wrist in a drunken stupor supposedly. Hahahahahahahahahahahaha!

Really?

Is that soooooooo?


Baka ang ending ay si chakitang Fermi Chaka ang maglaslas ng pulso dahil mape-phase out na siya pretty soon on national TV.

Mape-phase out na raw on national TV, o! Hahahahahahahahaha!

‘Di kaya? Hakhakhakhakhakhakhak!

Cheap!

Yuck!

Yosi-kadiri!


Honestly, this mock-suicide thing of Ms. Pempengco is pretty unbelievable.

Napaka-liquid naman kasi nu’ng tao at kung gumastos ay talaga namang all-out, why would she be despondent purportedly for that cheap reason?

Besides, credible pa ba naman ang grannie ni Charice after their parting of ways many years ago?

Hindi naman siguro true na naubos na ang milyones ni Charice, along with her dollar savings account in the US of A? Hahahahahahahahahahahahahaha!


Pati hearsay ay talagang pinapatulan na ni Nganga Queen para lang makapanggulat kunetchnetch.

Hahahahahahahahahahahahaha!


Magtinda ka na nga lang ng biko sa Parada, Valenzuela City, lolaska, at baka kumita ka pa.

Baka kumita pa raw, o! Hahahahahahahahahahahahahahaha!

Cheap!


MAYA AND SER CHIEF WEDDING OUSTS EAT BULAGA IN NUMBER 1 SPOT!


THE “fairytale wedding” of Maya and Ser Chief (portrayed by Jodi Sta. Maria and Richard Yap) in ABS-CBN hit morning kilig-serye, Be Careful With My Heart become the most-watched program on November 15 beating longest-running and longest TV ratings leader Eat Bulaga!


At say mo, AGB Nielsen Mega Manila Household ratings ito at hindi ‘yung sa ABS-CBN na Kantar Media. Plainly stated, kabogerang tunay ang wedding nina Maya at Ser Chief kaya for the very first time ay naka-score sa pala-palagi na’y perennial number one na Eat Bulaga.


Iba talaga ang charisma ng tambalang Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa mga televiewer.

I’m positive na lalo silang makaeeksena ngayong they are entering a new, more exciting phase in their lives.

Dapat lang!

Hahahahahahahahahaha!


TYRONE ONEZA’S TIME HAS COME!


NAKATUTUWA naman ang nangyari sa private life at showbiz career ng long-time friend naming si Tyrone Oneza who’s out to have his debut album released sometime on the first week of December.

Carrier single ng album ang Vehnee Saturno composition na Dito sa Aking Piling at may bonus track na Ikaw ang X’Mas Ko.


Looking back, sole bread winner si Tyrone ng kanilang pamilya kaya napilitan siyang mag-abroad (in Spain where he’s still presently staying) at sinuwerte namang makatagpo ng magandang trabaho.


One thing remarkably good with Tyrone is the fact that he’s most family oriented.

Hayan at inuna niya ang welfare ng kanyang pamilya at ngayon lang pinagbigyan ang kanyang hilig.


Goodluck Tyrone. Here’s wishing you the best of everything, my boy!


Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Bra-less and panty-less, Alice Dixson ‘nagwala’ at the age of 44! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bra-less and panty-less, Alice Dixson ‘nagwala’ at the age of 44!


Naumay o nanghinayang na sa gastos ang mga otaw… Repeat concert ni Sarah sa MOA nilangaw na

BLOCKBUSTER ang “Perfect10″ concert ni Sarah Geronimo sa Smart-Araneta Coliseum last November 15. Pero itong repeat concert niya sa SM MOA Arena kagabi, November 30 ay nasa 80 porsiyento lamang umano ang pumasok na tao kasama na roon ang may mga libreng ticket na hawak mula sa mga sponsor.


Posibleng naumay na ang tao o nanghinayang sa gastos kaya hindi na sila nagpunta ng MOA. Hindi rin sapat ang mga fan ni Sarah na galing south dahil may kalayuan pa rin ang lugar mula Cavite at mga karatig-bayan. Ang bulto ng mga tagahanga ng Popstar Princess ay nagmumula pa rin sa Metro Manila na malayo na sa venue.


Mukhang naunsiyami at hindi nagtuloy-tuloy ang pagsubi ni Vic del Rosario ng kita mula sa kanyang numero unong talent.


***

DAHIL LUGI, TV NETWORK TITIGIL NA SA PAG-PRODUCE NG TELESERYE

TITIGIL na umano sa paggawa ng teleserye ang TV network dahil sa pagkalugi. Nasubukan na umano nila ang mga big star na bigyan ng serye pero hindi kumita. Kahit ang pinakamagagaling na artistang datihan at baguhan ay pinagsama nila sa isang proyekto ay wa’ epek pa rin. Meron pa silang eksperimentong proyekto kung saan gumawa sila ng sexy series-kombinasyon ng seksing mga babae at lalaki ngunit talagang malas sila, hindi man lang nila nabawi ang kanilang puhunan. Maging ang palabas nilang action at horror series ay bagsak din sa rating. Mabuti pa raw ang mga pelikula kahit paulit-ulit nilang pinapalabas ay may ROI o return of investment.


GMA BLOCKBUSTERS WEEKDAY EDITION SIMULA NGAYONG LUNES

SIMULA ngayong Lunes (Disyembre 2), magbabago na ang paboritong weekday habit dahil ipapalabas na ang mga paboritong pelikula sa GMA Blockbusters Weekday Edition.Sa pagtatapos ng Pyra: Ang Babaeng Apoy at Fabulous Boys, kiligin, matakot, at makisaya sa mga pelikulang handog ng Kapuso network. Sisimulan nito ang romantic-comedy film ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Aga Muhlach na Of All The Things.

Pagdating ng Martes, mapapanood naman ang nakaaantig na pelikula ng Diamond Star Maricel Soriano na Inang Yaya. Kwento ito ng isang yaya na kinailangang pumili sa pagitan ng kanyang anak at ng kanyang alaga.


Susundan ito ng Happy Hearts sa Miyerkules at ang horror-thriller na Tiyanaks naman pagdating ng Huwebes kung saan tampok ang Kapuso leading lady Jennylyn Mercado at ang Ultimate Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras.

Hindi rin dapat palampasin ang pagpapalabas ng internationally-released psycho-thriller movie ng GMA Films na The Road. Mula sa direksyon ni Yam Laranas, kasama sa pelikula ang mga Kapuso star na sina Rhian Ramos, Louise delos Reyes, Barbie Forteza, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, TJ Trinidad, at Alden Richards.


Abangan ang mga bagong tututukan tuwing hapon sa GMA Blockbusters Weekday Edition simula Lunes pagkatapos ng Magkano Ba Ang Pag-ibig sa GMA.


***

For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Naumay o nanghinayang na sa gastos ang mga otaw… Repeat concert ni Sarah sa MOA nilangaw na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Naumay o nanghinayang na sa gastos ang mga otaw… Repeat concert ni Sarah sa MOA nilangaw na


BULILIT BUSINESS!

MAY SARILING diskarte ang mga batang ito para magkaroon ng pagkakitaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng decorative souvenir mula sa mga shells sa dagat sa Pagudpod Ilocos Norte at ipinagbibili nila sa mga turistang dayuhan.

MAY SARILING diskarte ang mga batang ito para magkaroon ng pagkakitaan sa pamamagitan ng paggagawa ng decorative souvenir mula sa shells sa dagat sa Pagudpod Ilocos Norte at ipinagbibili nila sa mga turistang dayuhan.



The post BULILIT BUSINESS! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BULILIT BUSINESS!


Housing crisis imposible – Solon

AGARANG ipinalalatag ng ilang kongresista sa Department of Publie Works and Highways (DPWH) ang konkretong plano para sa proyektong pabahay sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Sa isang panayam, sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, chairman ng House Committee on Housing na ngayong linggong ito ay nagtakda ang komite ng pagdinig sa Kamara kung saan haharap si DPWH Secretary Rogelio Singson.


Ito ay sa gitna ng pangamba na posibleng magkaroon ng housing crisis dahil sa dami ng mga nasirang tahanan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo bukod pa ang mga nagsipuntahan na dito sa Maynila.


Ayon kay Benitez, si Singson ang itinalaga ni Pangulong Aquino upang pamunuan ang proyektong pabahay para sa mga biktima kung saan ibibilang sa plano ang resolusyong ipinasa ng komite ukol sa cluster housing para sa rehabilitasyon.


Tiwala si Benitez na hindi magkakaroon ng krisis sa pabahay dahil magiging katuwang aniya ng grupong pamumunuan ni Singson ang kaniyang komite sa paglalatag ng programang pabahay.


Kabilang aniya sa agarang reresolbahin ay ang pagtatayo ng mga pansamantalang masisilungan ng mga biktima sa Leyte, Samar, Bliran at iba pang lugar.


Upang hindi kapusin sa proyektong pabahay ay sinusuri na ng grupong itinalaga para sa pabahay ang mga nakatiwangwang na lupa na maaaring pagtayuan ng bahay para sa mga biktima gayundin ang libu-libong yunit na naitayo na sa Bulacan, Cavite, Bataan kabilang na ayon kay Benitez ang dating tinerhan ng mga Vietnamese refugees sa bansa.


Ngunit tiniyak ni Benitez na hindi patitirhan sa mga biktima ang pabahay na inilaan para sa mga miembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.


Batay sa pagtaya ng kongresista ay maaaring abutin ng hanggang P200 bilyon ang kakailangan para sa mahigit isang milyong pamilya na walang bahay na ang tanggapan ng pangulo aniya ang mag-a-identify kung sinu-sino ang mga kuwalipikado sa proyektong ito.


Nauna rito ay nagpahayag ng pangamba si Anakpawis Rep. Fernando Hicap na haharapin ng bansa ang housing crisis dahil sa dami ng mga pamilyang nawalan ng tahanan matapos manalasa ang Yolanda.


Maiiwasan lamang aniya ito kung magiging maagap ang mga ahensya ng gobyerno sa paglalatag ng housing program dahil hindi biro na mahigit isang milyong indibidwal ang wala ngayong matirahan.


The post Housing crisis imposible – Solon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Housing crisis imposible – Solon


Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors

NASA bansa ngayon ang “American Idol” runner up na si Jessica Sanchez para personal na tumulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Sa micro-blogging site na Twitter, inihayag ng Glee guest star ang kanyang excitement sa pagbabalik-bansa.


“@JessicaESanchez: Mabuhay Philippines!!! Excited to be back and ready for@starkeycares @TaniAustin @ and their amazing team!!! Such an incredible foundation!!”


Makakasama ni Sanchez sa relief operations ang People’s Champ na si Manny Pacquiao na unang nagpahayag at nangakong magsasagawa ng sariling relief operations para sa mga biktima ni Yolanda matapos ang nakatakdang laban nito kontra kay Brandon Rios.


Una na ring nagsagawa ng relief efforts ang singer sa pamamagitan ng kanyang unang online concert sa stageit.com at sumulat din siya ng awiting “Lead Me Home” para makalikom ng pondo na iaabot sa Philippine Red Cross.


Ang naturang track ay kabilang sa iTunes collection na “Songs for the Philippines.”


Bukod sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, nasa bansa rin si Sanchez para tumulong sa Starkey Hearing Foundation.


Ito ang ikatlong pagkakataong bumisita ang singer sa Pilipinas.


Mananatili si Sanchez sa bansa hanggang Disyembre 10.


The post Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors


Mga estudyante sa Samar at Leyte, balik-eskwela na bukas

BALIK-PAARALAN na bukas, Lunes ang mga estudyante sa Samar at Leyte matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.


Sa kabila ng trahedya, nagtutulong-tulong ang mga guro, magulang at estudyante sa paglilinis para maihanda ang kanilang paaralan sa pagbubukas ng klase.


Dahil hindi pa maaaring gamitin ang mga napinsala at gumuhong classrooms, sa mga make-shift classroom tulad ng tent muna magkaklase ang mga estudyante.


Pero ilang eskwelahan pa ang walang tent at problemado pa rin sa mga gagamitin sa klase gaya ng libro. May iba pang inookupahan pa rin ng mga evacuee.


Banggit naman ng mga guro at magulang, kakayanin nilang makaraos.


Tumutulong na ang mga dayuhan gaya ng mga sundalo mula sa Australia at Korea sa paglilinis ng mga paaralan.


Aminado naman ang Department of Education (DepEd) na hindi pa makakapagbukas ang lahat ng paaralan dahil marami pa ring wasak at hindi pa nalilinis.


The post Mga estudyante sa Samar at Leyte, balik-eskwela na bukas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga estudyante sa Samar at Leyte, balik-eskwela na bukas


‘Blockbuster’ UAAP women’s volleyball inaasahan

MALAKI ang posibilidad na maging blockbuster ang UAAP women’s volleyball sa pagsisimula ng kompetisyon ngayong Linggo na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.


Target ng Dela Salle University ang ika-apat na sunod-sunod na korona kung saan makakaharap nila ang Adamson University.


Bago ito, magsasagupa rin sa opening day ang Ateneo at National University.


Batay sa kasaysayan ng UAAP, meron nang walong korona ang De La Salle kasama ng University of the Philippines bilang third winningest women’s volleyball team sa liga.


Nangunguna naman na may pinakamaraming titulo ang Far Eastern University na nasa 29, habang ikalawa ang University of Santo Tomas na may natipon na 14 na tropeyo.


The post ‘Blockbuster’ UAAP women’s volleyball inaasahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Blockbuster’ UAAP women’s volleyball inaasahan


World AIDS Day ginugunita ngayon

KASABAY ng paggunita ng World AIDS Day ngayon at matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong HIV-AIDS cases sa bansa sa buwan ng Oktubre 2013, pinayuhan ng isang health official ang publiko na ugaliing gumamit ng condom sa pakikipagtalik upang makaiwas na mahawahan ng HIV-AIDS.


Bukod dito, muli ring ipinaalala ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang kanilang matagal nang programa laban sa HIV na ABC o Abstinence, Be faithful, at Condom use.


“Unprotected sex is risk factor for HIV. Better use condoms,” ayon pa kay Tayag, sa kanyang Twitter account na @erictayagSays.


Matatandaan na ang lesbians, gays, bisexuals and transgenders (LGBT) community ay nananawagan rin nang paggamit ng condom sa kanilang mga miyembro matapos ang mga ulat na ang mayorya ng mga naitatalang bagong kaso ng HIV sa bansa ay mula sa kanilang hanay.


Una nang iniulat ng DOH na naitala nila nitong Oktubre 2013 ang 491 bagong kaso ng HIV-AIDS infection, na siyang highest monthly number ng sakit na naitala mula taong 1984, kung kailan sinimulan ng DOH ang regular monitoring sa sakit.


Ngayong 2013 ay umabot na sa 4,072 HIV-AIDS cases ang naitala sa bansa habang kabuuang 15,774 kaso naman simula taong 1984.


Ang 1,441 sa mga naturang kaso ay nag-develop sa AIDS habang 856 naman ang namatay.


The post World AIDS Day ginugunita ngayon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



World AIDS Day ginugunita ngayon


Arcilla puwede pa

KALABAW lang ang tumatanda.


Kahit may katandaan, ipinakita ni top seed Johnny Arcilla na may asim pa ito matapos pagpagin si Mario Sabas, 6-0, 6-1, sa pagsisimula ng main draw ng men’s division ng 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Open kahapon sa PCA covered courts sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.


Nagmistulang ensayo para kay Arcilla ang kanyang first round match labansa unseeded na kalaban at tinapos ang laro sa loob lamang ng 45 minuto.


Sumampa sa second round si 33-year old Arcilla kasama sina second rank Patrick John Tierro, No. 3 Elbert Anasta, fourth seed Marc Reyes No. 5 Rolando Ruel Jr., seventh rank Leander Lazaro at No. 8 Marc Anthony Alcoseba.


“Gusto ko ipakita na hindi pa ako matanda. Maganda ang confidence level ko kaya puwede pa ako manalo dito,” wika ni Arcilla na isa sa miyembro ng Philippine Davis Cup team.


“Ayaw ko din magpa-kumpiyansa at ang lahat ng malalakas ay nasa lower half ng draw. Suwerte lang ako at nasa upper half ako,” dagdag pa nito na nais masungkit ang kaniyang ikawalong titulo at ang P100,000 champions purse sa P600,000-event na siyang pinakamatagal sa bansa.


Humataw ng may iniindang right ankle sprain si Tiero upang paluhurin si Fritz Verdad, 6-2, 6-1.


“Medyo nag aalangan at takot ako tumakbo nuong una dahil sa sprain ko at may kaunting sakit pa. Dala na lang ng adrenalin siguro kaya nanalo,” ani Tierro.


“Mabuti na lang at Martes pa ang next game kaya may time para magpahinga. Mabigat pa naman ang nasa draw ko at halos anduon ang mga malalakas. Lahat nag prepare para dito kaya hindi puwede mag relax.”


Kinaldag ni Anasta si Eric Olivarez Jr., 6-0, 6-3; pinaluhod ni Reyes si Rommel Openiano, 6-0, 6-4; nagwagi naman si Ruel kontra kay Vince Salas, 6-4, 6-1; binigo naman ni Lazaro si Jessie Divinagracia, 6-0, 6-2; hiniya ni Alcoseba ang qualifier na si Weng Arcenas, 6-1, 6-2; inilampaso ni Sagansay si Dave Mosqueda, 6-0, 6-2; at hiniya ni mano si Hakim Capiga, 6-3, 6-3.


The post Arcilla puwede pa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Arcilla puwede pa


4 kelot pinagbabaril sa Las PiƱas City

SUGATAN at nilalapatan na ng lunas ang apat na lalaki nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin kaninang madaling-araw sa Las PiƱas City.


Dahil sa malubhang tama ng bala sa katawan, hindi pa mabatid ng imbestigador ang mga pangalan ng mga biktima na nilalapatan ng lunas sa Las PiƱas Doctor’s Hospital.


Batay sa ulat, nakitang naglalakad ang apat na biktima sa Malugay St., Phase 4, CAA, nang hintuan ng L300 van (JKL 825).


Ang insidente ay naganap alas-3:40 kaninang madaling-araw nang biglang bumaba ang isang lalaki na armado ng baril at pinaputukan ang mga biktima.


Makaraan ang pamamaril ay tumakas ang suspek gamit ang naturang sasakyan na ngayon ay tinutunton na ng awtoridad ang may-ari.


The post 4 kelot pinagbabaril sa Las PiƱas City appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 kelot pinagbabaril sa Las PiƱas City


WOW CROWD!

GANITO na karami ang mga nagtutungo sa Divisoria, Maynila sa unang araw pa lamang ng Disyembre upang mamili ng mga pangregalo para sa nalalapit na Pasko.

GANITO na karami ang mga nagtutungo sa Divisoria, Maynila sa unang araw pa lamang ng Disyembre upang mamili ng mga pangregalo para sa nalalapit na Pasko.



The post WOW CROWD! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



WOW CROWD!


Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare

ILANG residente sa Antique ang agad na nagsilikas sa kanilang mga bahay nang kumalat ang balitang may tatamang tsunami sa kanilang lugar sa pagkumpirma na rin ng provincial disaster management official.


Ani Broderick Train ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, agad din namang na-relax ang mga residente ng Antique ngayong umaga na agad na ring nagbalikan sa kanilang mga bahay nang wala namang naramdamang pag-atake ng tsunami.


“May nangyari na balita rito, nagkalat na may tsunami sa aming lalawigan. Ito nag-create ng di magandang nangyari, nag-panic ang tao lalo sa northern Antique,” ani pa ni Train.


Inaalam pa nila kung sino ang nagpasimula ng tsunami scare.


Ani Train, dahil sa balita ay nag-panic ang mga residente sa lalawigan dahil na rin sa trauma sa kanilang naranasan sa paghagupit noon ng super typhoon Yolanda.


Dagdag pa ni Train na dahil sa balita ay alas-4 pa lang ng madaling-araw ay nagsilikas na ang mga residente sa takot.


Na-relax lamang aniya ang mga ito nang magpalabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang ganoong pangyayari.


The post Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare


Bohol nilindol na naman kagabi

ISA na namang malakas na lindol ang naranasan ng mga taga-Boho kagabi.


Alas-8:45 kagabi nang yanigin ang Bohol ng 3.6 magnitude na lindol subalit tatlong kilometro lamang ang lalim sa lupa kaya ramdam ito sa Catigbian at Maribojoc sa Bohol.


Nakaramdam din ng malakas na pagyanig ang mga residente mula sa mga bayan ng San Isidro, Tubigon, Calape, Balilihan, Loon Antequera at Cortes.


Ang sentro ng lindol ay nasa 28 kilometro sa hilagang silangan ng Tagbilaran City o nasa bahagi ng bayan ng Catigbian.


Nakaramdam ng intensity 4 sa Tagbilaran City at Loboc habang sa Mandaue City, Cebu ay naramdaman ng lakas na intensity 3.


Umabot din ng limang segundo ang pag-uga.


The post Bohol nilindol na naman kagabi appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bohol nilindol na naman kagabi


Mehikano tinuklaw ni Nietes

MISTULANG mabangis na ahas ang ipinakita kagabi ni Filipino boxer Donnie “Ahas” Nietes nang tuklawin ang Mexican challenger na si Sammy “Guty” Gutierrez at hiluhin sa third round at mapanatili ang WBO light flyweight crown sa kanilang laban.


Unang pinabagsak ng ‘counter-punching Ilongo’ si Gutierrez sa unang round pa lamang ng laban bago tapusin ang Mexican fighter sa pamamagitan ng technical knockout (TKO).


Maagang naipakita ni Nietes ang kontrol sa first round sa pamamagitan ng pagpapatikim ng mga sharp jabs sa kalaban.


Mistulang naawa na lang ang referee at tinigil ang laban sa 2:58 minuto ng Round 3.


Dahil sa panalo, nananatiling walang talo bilang kampeon ang Filipino boxer sa loob ng anim na taon at nalalapit ng mapantayan ang rekord ni Gabriel “Flash” Elorde bilang ‘undefeated’ sa loob ng pitong taon.


The post Mehikano tinuklaw ni Nietes appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mehikano tinuklaw ni Nietes


Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril

TAHASANG ipinahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi basehan o ikatwiran ang pagkakaroon ng banta sa buhay para mag-ingat ng napakaraming mga matataas na kalibre ng armas.


Ayon kay S/Insp. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, Ito’y kaugnay sa pag-aresto sa alkalde ng Urbiztondo na si Mayor Ernesto Balolong na iniimbestigahan na sa ngayon ng NBI ang kaso sa pagkakaaresto dahil nahulihan siya ng maraming baril.


Sinabi ni Manongdo, kung talagang mayroong banta sa buhay ng alkalde ay kailangan nitong umupa ng security guards upang pangalagaan ang kanyang seguridad at hindi bumili ng napakaraming baril.


Paliwanag ng PNP sa mga taong may banta sa buhay na ipagbigay alam ito sa PNP para mapangalagaan ang kanilang buhay.


The post Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril


La Salle vs SBC, charity game

MALAKI ang pinsalang dinulot ng super typhoon Yolanda kaya naman tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong sa mga nasalanta nito.


Aayuda ang mga senior basketball champions ng dalawang pinakamalaking collegiate leagues sa bansa upang magsagawa ng isang charity basketball game para makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ni Yolanda.


Ang event ay pinamagatang “Champions for a Cause” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Disyembre 7 sa Sabado.


Maggigirian ang 76th UAAP champion De La Salle Green Archers at 89th NCAA ruler San Beda College Red Lions.


Mahigpit na magkaribal ang San Beda College at De La Salle noong dekada ‘70, nasa NCAA pa ang huli.


Hahatiin ng La Salle at San Beda ang ticket sales para sa kanilang relief operations.


Maaari ng bumili ng tickets sa mga sangay ng SM Ticketnet at sa dalawang eskuwelahan sa presyong P1,000 sa patron, P500 sa lower box, P300 sa upper A, P150 sa upper B at P20 sa bleachers.


Kapartner din ang MVP Sports sa event na ieere ng live ng TV5 umpisa alas-12:00 ng tanghali.


The post La Salle vs SBC, charity game appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



La Salle vs SBC, charity game


UPDATE: 8 patay, 14 sugatan sa helicopter crash sa Scotland

PATAY ang walo katao habang 14 pa ang malubhang nasugatan nang bumagsak ang police helicopter sa bubong ng isang Glasgow pub sa Scotland.


Batay sa pahayag ng mga nakasaksi sa insidente, biglang bumagsak ang helicopter sa Clutha Pub habang nagkakasiyahan ang 100 kataong nakikinig sa live music concert.


Kabilang sa mga namatay ang dalawang police officers na miyembro ng helicopter crew at ang civilian pilot.


Ayon kay Chief Constable Stephen House na patuloy ang kanilang recovery efforts dahil sa pangambang may mga nadaganan pa sa loob ng pub.


Wala namang narinig na pagsabog at nagulat na lamang ang mga nagpa-party nang bumagsak ang helicopter sa ibabaw ng pub.


The post UPDATE: 8 patay, 14 sugatan sa helicopter crash sa Scotland appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 8 patay, 14 sugatan sa helicopter crash sa Scotland


Defense minister ng Japan magsasagawa ng assessment sa calamity areas

MULING iginiit ngayon ng Palasyo na walang kinalaman sa umiigting na tensyon sa tinaguriang air defense zone ng China ang nakatakdang pagbisita sa susunod na linggo sa Pilipinas ng Japanese defense minister.


Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang pagdating sa bansa ni Minister Itsunori Onodera ay may kaugnayan sa tulong nilang relief and recovery effort sa mga sinalanta ng supertyphoon.


Matatandaan na ang Japan Self-Defense forces ay nagpadala ng mahigit sa 1,000 mga tauhan, tatlong barko at C-130 cargo plane upang tumulong sa mga lugar na sinalanta.


Una na ring iniulat ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang pakay sa bansa ng Japanese defense minister ay magsagawa pa ng assessment at pumunta sa ilang calamity areas sa bansa.


Kung maaalala, ang isla na bagong inaangkin ng China na tinawag na air defense zone ay binalewala ng Amerika at Japan at nagpalipad pa ng military aircraft sa lugar nang walang abiso sa Beijing.


The post Defense minister ng Japan magsasagawa ng assessment sa calamity areas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Defense minister ng Japan magsasagawa ng assessment sa calamity areas


Driver ng van na nahulog sa Baguio kakasuhan na

KASONG reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries ang isasampa laban sa driver ng van na nahulog sa 50 metrong lalim na bangin sa Km 58. Calasipan, Cattubo, Atok, Benguet na ikinamatay ng isang pasahero at ikinasugat ng 15 iba pa sabado ng umaga.


Kinilala ng Atok Municipal Police Station ang driver na si Jimmy Babanga na isa rin sa mga sugatan.


Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente alas onse ng umaga at mechanical at driver error ang nakikita nilang dahilan sa nasabing aksidente.


Ayon naman sa mga nakakita sa aksidente, masyadong mabilis ang pagtakbo ng nasabing pampasaherong van bago nahulog sa bangin.


Una rito, patay sa nasabing aksidente si Bernabe Ngipol Lablabong na taga-Nagtipunan, Quirino Province.


Maliban sa driver, ginagamot pa rin sa ospital ang iba pang sugatan na sina Elena Salipen (65), Tito Ingosan (57), Marrieta Pagnas (51), Tino Ngosi (45), SPO3 Rolex Sabyat (40), Victoria Licuasen (33), Bernaditte Dinisia (32), Jake Bantasan (29), Melvin Danilo (18), Ben Bayas (17), Rochel Bacte (16), Charlene Calabson (16) at ang isang taong gulang na bata na si Dona Jane Denesia, na nagtamo lamang ng minor injuries.


Walo sa mga ito ay nasa Benguet General Hospital, apat ay nasa Baguio General Hospital at ang tatlo ay sa Pines Doctor Hospital.


Karamihan sa mga ito ay nagkaroon ng matinding fracture, gasgas at sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.


The post Driver ng van na nahulog sa Baguio kakasuhan na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Driver ng van na nahulog sa Baguio kakasuhan na


RAFFLE TIME!

 SINAKSIHAN ni (kaliwa) Trade and Industry representative Ruben Cullamco ang 8th draw ng IBALIK ANG SWERTE SA REMATE Raffle Bonanza III na isinagawa nina Remate News Central Accounting Manager Pons Arellano, Circulation Manager Myrna Vere at columnist Hilda Ong sa tanggapan ng pahayagang ito.



SINAKSIHAN ni (kaliwa) Trade and Industry representative Ruben Cullamco ang 8th draw ng IBALIK ANG SWERTE SA REMATE Raffle Bonanza III na isinagawa nina Remate News Central Accounting Manager Pons Arellano, Circulation Manager Myrna Vere at columnist Hilda Ong sa tanggapan ng pahayagang ito.



The post RAFFLE TIME! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



RAFFLE TIME!


Lalaki pumalag sa holdap todas

PATAY ang 30-anyos na lalaki matapos manlaban sa isang holdaper sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.


Kinilala ang biktima na si Andy Rano, electrical chemical technician ng Block 31, Unit 311 Phase 3 Pilot Drive MRB, Brgy. Commonwealth, QC.


Si Rano ay namatay noon din dahil sa tama ng saksak sa kanyang katawan.


Nabatid na naganap ang insidente sa tabi ng First St., Area Pasong Tamo, alas-12:05 ng madaling araw nitong Sabado.


Sinabi ng witness na si Cindy Mercuso na nanonood siya ng tv nang makarinig ng malakas na sigaw at may humihingi ng tulong.


Nang kanyang silipin ang pinanggagalingan ng paghingi ng saklolo ay nakita niya ang isang hindi kilalang lalaki na papalayo sa lugar.


Habang duguan naman na nakahandusay ang biktima dahil sa maraming tama ng saksak sa kanyang katawan.


Hinihinala ng mga awtoridad na hinoldap ang biktima at nanlaban dahilan para saksakin ng suspek.


The post Lalaki pumalag sa holdap todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaki pumalag sa holdap todas


Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO

DAPAT ding managot ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglutang ng mga pekeng Special Allotment Release Order (SARO) sa Region 2.


Ito ay matapos lumabas ang ulat na ilang mambabatas partikular ang isang kongresista ang nagsumite sa DBM-Region2 ng pekeng SARO.


Binanggit ni Kabataan Rep. Terry Ridon na kung may pananagutan ang hindi pinangalanang mambabatas sa pagsusumite ng pekeng SARO sa DBM, ay may liability din o pananagutan dito ang ahensya dahil sila ang tumanggap at ang implementing agency sa pagpapalabas ng pondo.


Pinagpapaliwanag ni Ridon Budget Secretary Butch Abad sa pagre-release ng pondo nang hindi man lamang tinitiyak o sinusuri kung peke o hindi ang SARO.


Maging si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay nanawagan sa liderato ng Kamara na imbestigahan ang isyung nabanggit dahil muli itong maglalagay sa kontrobersiya ang Kongreso.


Kailangan aniyang maging bukas ang DBM sa paglalantad sa mga sindikatong nasa likod ng pekeng SARO gaya ng pagiging bukas sa mga naunang paglalantad sa mga pekeng organisasyon na nasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.


The post Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO


2 may putok, huli sa pagnanakaw ng deodorant

DAHIL sa pagnanais na hindi magkaroon ng mabahong amoy ang mga kili-kili, kalaboso ang dalawang lalaki matapos makita sa closed circuit television ang pang-uumit ng mga body deodorant sa Caloocan City.


Kinilala ang mga suspek na sina John Romeo Peralta, 16 ng Milagrosa st., at Rudy Alforte, 18 ng Ipil Alley kapwa ng Bagong Barrio, nasabing lungsod.


Sa ulat, alas-3:40 ng hapon nitong Biyernes, pumasok at nagpanggap na mga kostumer ang mga suspek sa 7/11 convenience store sa Benin st., ng lungsod.


Nakita sa cctv ang ginawang pang-uumit ng mga suspek ng mga body deodorant na agad na pinasita sa sekyu paglabas at nabawi ang mga inumit bago sila dinala sa presinto.


The post 2 may putok, huli sa pagnanakaw ng deodorant appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 may putok, huli sa pagnanakaw ng deodorant


Serbisyo sa isang opisina sa Bacolod City, inireklamo; empleyada, nakitang nagpapalinis ng kuko

Isang lalaki na kukuha sana ng cedula sa extension office ng Treasurer's Office ng Bacolod City ang nadismaya nang hindi siya asikasuhin dahil hindi siya umabot sa itinakdang oras ng cut-off ng kanilang serbisyo. Pero lalo siyang nadismaya nang makita niya ang isang babae sa loob ng tanggapan na nagpapalinis lang ng kuko. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Serbisyo sa isang opisina sa Bacolod City, inireklamo; empleyada, nakitang nagpapalinis ng kuko


Butandings, balik sa Almasor

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong taon kung kailan paminsan-minsan na lang silang nakikita, tila bumalik na uli ang mga higanteng “Butan­ding” (whale .. Continue: Philstar.com (source)



Butandings, balik sa Almasor


Mayor ng Valencia City, Bukidnon, iniugnay sa pagpatay sa isang komentarista sa radyo

Iniuugnay ang alkalde ng Valencia City, Bukidnon sa pagpatay sa isang radio announcer na tinadtad ng bala ng anim na suspek noong Biyernes ng gabi. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mayor ng Valencia City, Bukidnon, iniugnay sa pagpatay sa isang komentarista sa radyo


LRT 1 at 2, nag-libreng sakay sa Bonifacio Day

MANILA, Philippines - Libu-libong commu­ters ang nakinabang sa libreng sakay na ipinagkaloob ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kahapon kasabay ng pagdir .. Continue: Philstar.com (source)



LRT 1 at 2, nag-libreng sakay sa Bonifacio Day


Brodkaster uli tumba sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang radio commentator matapos itong pagbabarilin ng mga armadong motorcycle ri­ding-in-tandem sa Valencia City, Bukidnon ni .. Continue: Philstar.com (source)



Brodkaster uli tumba sa tandem


US troops magpu-pullout na ng relief operations

MANILA, Philippines - Ipu-pullout na ng Estados Unidos ang tropa nito na nagsasagawa ng humanitarian/relief ope­rations sa mga lugar na grabeng sinalanta ni .. Continue: Philstar.com (source)



US troops magpu-pullout na ng relief operations


Pagbakasyon desisyon ni Biazon

MANILA, Philippines - Nasa desisyon na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kung maghahain ito ng leave of absence matapos makasama sa ikalawang batch ng mga .. Continue: Philstar.com (source)



Pagbakasyon desisyon ni Biazon


5,632 patay, P30B pinsala kay Yolanda

MANILA, Philippines - Pumalo na sa 5,632 ang death toll habang lumobo na rin sa mahigit P30 bilyon ang iniwang pinsala ng super bagyong Yolanda. .. Continue: Philstar.com (source)



5,632 patay, P30B pinsala kay Yolanda


Pagtutulungan ng mga Pinoy sa ‘Yolanda’ inihalintulad sa kabayanihan ni Bonifacio

MANILA, Philippines - Inihalintulad ni Pangulong Aquino sa kabayanihan at dedikasyon ni Bonifacio at ng mga Filipino na lumaban sa mga Kastila noong 1986 rev .. Continue: Philstar.com (source)



Pagtutulungan ng mga Pinoy sa ‘Yolanda’ inihalintulad sa kabayanihan ni Bonifacio


P40.9B gagastusin sa rehab ng Visayas

MANILA, Philippines - Aabot sa P40.9 bilyon ang ilalaan umano ng gobyernong Aquino para sa rehabilitasyon ng Visayas Region partikular ang mga sinalanta ng b .. Continue: Philstar.com (source)



P40.9B gagastusin sa rehab ng Visayas


419 bagong kaso ng HIV-AIDS

MANILA, Philippines - May 491 bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala ang Department of Health nitong Oktubre 2013. .. Continue: Philstar.com (source)



419 bagong kaso ng HIV-AIDS


2, patay, 15, sugatan matapos araruhin ng trak ang ilang bahay at internet shop sa Cebu

Dalawang tao ang nasawi - kabilang ang isang bata - matapos araruhin ng isang trak ang ilang kabahayan at internet shop sa Barili, Cebu. .. Continue: GMANetwork.com (source)



2, patay, 15, sugatan matapos araruhin ng trak ang ilang bahay at internet shop sa Cebu


Mga 'sikreta,' nais ibalik ng mambabatas vs kriminal, barumbadong drayber

Nais ng ilang kongresista na muling magpakalat ng secret marshals o mga "sikreta" ang Philippine National Police (PNP) bunga na rin ng dumadaming kaso ng krimen gaya ng holdapan sa mga pampasaherong sasakyan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga 'sikreta,' nais ibalik ng mambabatas vs kriminal, barumbadong drayber


The Flying Scotsman

Nobyembre 30, 1934, ang The Flying Scotsman, kilala rin bilang 4472 Flying Scotsman, ang naging unang steam locomotive na opisyal na naabot ang speed na 100 miles per hour.


Ang Flying Scotsman ay binuo noong 1923, dinisenyo ni Herbert Nigel Gresley, isa sa pinakasikat na locomotive engineer ng Britain nang mga panahong iyon.



Nakapagtala rin ito ng rekord para sa pinakamahabang non-stop run, sa pagtakbo nito ng 422 milya noong Agosto 8, 1989.


Inalis sa serbisyo noong 1963 matapos tumakbo ng 2,076,000 milya, nag-ipon ito ng malaking atensiyon sa ilalim ng pamamahala ng British entrepreneur Alan Pegler, milyonaryong si William McAlpine, biotechnology entrepreneur na si Tony Marchington, at kalaunan, ang National Railway Museum.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



The Flying Scotsman


SI ANDRES BONIFACIO NGAYON (2)

square-nelson-flores ITINATAK sa ating isipan na walang pinag-aralan si Gat Bonifacio. Para sa atin, ang pinag-aralan ay napakahalaga at ang kawalan nito ay malaking kahihiyan. Hindi tayo mahilig sa digmaan tulad ng ibang lahi pero bakit pilit na itinatanim sa ating isipan na si Gat Bonifacio ay mandirigma lamang? Bakit palagian siyang ipinakikita na may tangang revolver at gulok? Dangan kasi, ito lamang ang paraan para mailayo siya sa atin at maitanim sa lahat na siya’y barumbado at makitid ang isip.


Matagumpay ang ganitong presentasyon sa kanya ng puwersang reaksyon kaya ultimong ang mga kababayan natin na nasa kilusang komunista ay kinikilala siya bilang isang mandirigma lamang at hindi isang pantas sa teorya o ideolohiya. Pandigmaang bayan lang si Gat Bonifacio.

Dahil sa ganitong panlalason sa ating isipan ay marami ang hindi maimahen si Gat Bonifacio bilang banayad, edukado at mapayapang tao. Masyado siyang natali sa kanyang revolver at gulok na walang mangahas na ipangalan sa kanya ang isang sentro ng mataas na edukasyon. Kabaligtaran ito kung paano naman palagiang ipinakikilala si Gat. Jose Rizal. Siya ay laging malumanay at nakikitang may tangan na libro kundi man laging nagsusulat o nagbabasa. Hindi kataka-taka na isinusunod sa kanyang pangalan ang mga matataas na paaralan.


Pero si Gat Bonifacio ay hindi lamang mandirigma. Una sa lahat siya ay edukador dahil siya ay puno ng aral at karanasan. Mapagpahayag ng saloobin sapagkat may malalim na pang-unawa sa kanyang kalagayan. Ang kanyang mga akda katulad ng “Ang mga Dapat Mabatid ng mga Tagalog,” “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa,” ‘Katapusang Hibik ng Pilipinas,” “Ang mga Cazadores” ay patunay na siya ay mulat katulad ng mga kasabayang illustrados.


Mahusay magpaliwanag dahil alam niya ang ating kasaysayan at kilala niya ang ating lipi. Mahusay makiramay at puno ng pasensya. Hindi arogante at barumbado sa kanyang pagkilos sapagkat kung siya ay gayon ay hindi niya lihim na maiingatan at mapalalaki ang KKK-AnB sa loob ng apat na taon mula 1892 hanggang 1896. Hindi yata biro ang mag-organisa. Kailangan ng isang organisador ang liderato, dunong, talento at husay sa pakikisama para maitayo ang isang organisasyon.


Si Gat Bonifacio ay relihiyoso at kulturado. Sa katunayan noong Biyernes Santo ng 1895, kasama ang ilang piling tauhan ay pinuntahan nila ang kuweba ni Bernardo Carpio (Kuwebang Pamitinan) sa Montalban. Doon ay nilinis nila ang kanilang sarili, nagsindi ng kandila, nanalangin at isinulat sa kuweba ang mga katagang “Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas.” Hindi malayo na naligo rin sila sa malamig na tubig ng Wawa Dam.


Panahon na para baguhin natin ang ating pagkakakilala kay Gat Bonifacio. Siya ay matalino, edukado at mahusay na lider. Kasabay nito ay ipinanawagan ko kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III at sa mga miyembro ng Kongreso na pormal na siyang kilalanin bilang unang Pangulo ng ating bayan. Ito man lamang ay maging ganti natin sa kanyang ipinadamang pag-ibig sa bayan.


The post SI ANDRES BONIFACIO NGAYON (2) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SI ANDRES BONIFACIO NGAYON (2)


TAKIPSILIM

_eggay quesada MAHIGIT dalawang linggo na nang mag-umpisa ang isa sa mga pinakamatagumpay na volunteer action group, ang Oplan Hatid. Ito’y nabuo dahil sa mga biktima ng Yolanda sa lalawigan ng Leyte at Samar na lumilikas patungong Cebu at Maynila at lumalapag sa Villamor Airbase sakay ng C-130. Isa ako sa pinalad na makatulong dito. Ang trabaho namin, kumuha ng pasahero sa Villamor Airbase at ihatid sa kanilang tutuluyan sa Luzon. Siyam na araw akong naging volunteer driver at iba’t ibang istorya ang aking narinig sa mga biktima ngunit pawang nakalulungkot o nakaiiyak.


May maliit na volunteer group kami sa motoring beat na nabuo noong bagyong Ondoy. Kaya naman nang malaman namin sa aming kasamahang si James Deakin ng C! Magazine ang tungkol sa Oplan Hatid ay agad kaming nakiusap sa mga kaibigang car manufacturer upang humiram ng mga sasakyan para gamitin sa Oplan Hatid. Muli akong nagpapasalamat kay Steven Tan at kasamang sina Sherlyn Co, Joseph Ayllon, Isa Suarez at kay Tonyo Silva ng iba’t ibang kompanya ng sasakyan. Dahil sa inyo ay marami-rami kaming napagsilbihang mga biktima na walang ibang reaksyon kundi ang matuwa at taos-pusong nagpasalamat sa amin nina James, Ardie Lopez, Jeff Reyes at sa aming mga kaibigang private volunteer driver na sina Geoffrey Banzon, Cokee Tiglao at mag-asawang Oby at Cj Garces.


Ito ang isang karanasan sa buhay namin na hindi namin malilimutan. Kaya naman gusto ko ring magpasalamat sa huling pagkakataon sa Core group ng Oplan Hatid. Sa mag-asawang Junep at Cel Ocampo, James Deakin, Leah Lagmay, Bugsy del Rosario at marami pang iba.


Sa mga daan-daang volunteer driver, mabuhay kayong lahat!


Mahigit sa 17,000 bikitima ang natulungan ng Oplan Hatid. Malaki man o maliit ang numerong ito pero isa lang ang masasabi ko, hindi madaling magpangiti at magpasaya ng 17,000 katao.


Hanggang ngayong alas-6 ng gabi (Linggo) na lang ang Oplan Hatid at pagkatapos nito ay ililipat na ang operasyon nito sa DSWD gamit ang pangalang HATUD KABAYAN.

Bukas pa rin po ang HATUD KABAYAN sa mga private volunteer kaya tuloy lang po kayo sa Villamor Airbase.


The post TAKIPSILIM appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TAKIPSILIM


FIGHTING MOOD

glocal-pinoy-logo-new OUR national leaders are in the fighting mood these days. As soon as world boxing hero Manny Pacquiao arrived in the country after his victorious bout in Macau, he was greeted with a garnishment order issued by Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares on his P1.1 million bank accounts.

Pacquiao, one of the world’s richest athletes and the richest lawmaker in the land, immediately run to the media to accuse Henares and the Aquino administration of harassing him, hinting further that he is being singled out due to his political ambition in 2016.


At the Senate, our senators are not about to concede the limelight to the Pacquiao and Henares bout. Sen. Jinggoy Estrada grilled Commission on Audit Commissioner Grace Pulido-Tan during the deliberation of the budget of COA for 2014, notably on the agency’s alleged misuse of the DAP in the purchase of service vehicles for them. Tan, in retort, said Estrada is merely getting back at her because she implicated her in the pork barrel fund scam that tarnished his reputation and jeopardized his vice presidential ambition in 2016.

Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, for his part, broke his silence and finally responded to previous tirades hurled against him by his arch-critic, Sen. Miriam Defensor Santiago, who accused him for being the “godfather” of the pork barrel scam. Santiago had accused Enrile not just for being the alleged mastermind behind the sinister pork barrel scheme of infamous businesswoman Janet Lim-Napoles but also as a murderous man out to silence Napoles for good.

She even alleged that Enrile gave a hefty sum of money for Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari to seize Zamboanga City in order to distract the national attention from the former Senate president accused of scheming the pork fund. Enrile, though, called the lady senator as the “grandmamma” of all liars.


And just when we thought it would just pass off as a mere national comic relief or past time, Sen. Santiago vowed to return to the plenary hall to confront Sen. Enrile on Dec. 4 to have the last say on the whole controversy. She even issued a public advisory for those who wish to attend and hear her lambast her colleague, offering gallery seats on a “first-come-first-serve” basis.

But while our national leaders are preoccupied with exchanging incendiary words against one another, they should be reminded that the rest of the Filipino people are busy extending whatever help possible to those who survived the super typhoon Yolanda last month. In all these fights, it is the image of the Senate as an institution that is damaged, and the whole Filipino people who stand to lose. No one wins in all these fights.


The post FIGHTING MOOD appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



FIGHTING MOOD


KUMAPIT SA PANGINOON

“To us Christians faith in God has been taught since childhood by our parents. It is a belief or trust on things that we don’t see.” – Anonymous


Narito ang isang istorya ng dalagitang sumagip sa pagkakaligaw ng kanyang ama.


Nabalitaan ni Dulce na ang kanyang amang si Mario ay may kinalolokohang batang hostess sa isang beer garden.



Isang araw ay hindi pumasok si Dulce sa klase. Sinundan niya ang kanyang ama paglabas nito sa opisina.


Noon dinay dinala sa ospital ang ina ni Dulce, si Belen, pagkat nahihirapan itong huminga.


Matindi ang pulmonya na dumapo kay Belen. Namalantsa noon si Belen nang abutan siya ng malakas na ulan. At dalawang linggo na hindi niya pinansin ang kanyang ubo at lagnat. Patuloy pa rin ang paglalaba niya sa mga kapitbahay.


Kaya’t nang gabing iyon na nasa ospital ang kanyang ina pagkatapos niyang dalhan ito ng mga gamit ay pinatulog ni Dulce ang kanyang tatlong maliliit ng kapatid.


Maganda si Dulce, malimit siyang maging Santa Elena sa kanilang lugar. Maputi siyang dalagita sa mga anak ni Mario.


Buong tapang na nagtungo si Dulce sa beer garden at nagpresinta siya na magtrabaho roon. Pinagkaguluhan si Dulce ng mga naroong lalaki.


Sa isang sulok ng beer garden ay namataan ni Mario ang magandang dalagitang kayganda ng katawan at puno ng make-up ang mukha.


Muntik nang hindi makilalani Mario si Dulce, ang kanyang anak.


Mabilis ang mga naganap na pangyayari. Nailabas agad ni Mario sa beer house ang anak. Ngunit hindi niya kinagalitan si Dulce pagkat ang wika agad ng dalagita sa kanya:


“Papa, nasa ospital si Mama.”


Sapat na ang ginawa at ang sinabi ng kanyang anak upang magising siya sa kanyang pagkaligaw.


Kumapit na simula noon si Mario sa Panginoon. Kailangan niya nag tulong ng Poon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KUMAPIT SA PANGINOON


‘It Takes A Man and A Woman,’ kumita na ng P586M

sarah at john lloyd


The greatest degree of inner tranquility comes from the development of love and compassion. The more we care for the happiness of others, the greater is our own sense of well-being. A blessed Saturday! —TANTAN/# withheld


Kapag ang lalaki kinilig, ngingiti lang ‘yan sa isang tabi. Pero ‘pag babae ang kinilig, bugbog-sarado pati katabi. –09359076888



It Takes A Man and A Woman — the film that breaks the box office record in Philippine cinema with a total of P586M (worldwide) and P375M (domestic) and 9M beating Man of Steel with 8.9M in the Philippines box office. The highest grossing Filipino Film of all time. And second highest grossing films of 2013 (in the Top 10 Local and Foreign Movies) in the Philippines. Congratulations Star Cinema! –09335611647


Ah, puwede po bang makipagkilala sa iyo? –09169962642


Good afternoon po. ‘Hanap lang po ako ng girl textmate from Cavite lang po, 18-25 y/o. I’m Nathan from Dasma, Cavite. –09096531652


Mistakes are proof that you are trying. –DINNO/# withheld


Goo day, Sir DMB. ‘Hanap lang po ako ng girl textmate, 20-30 y/o. I’m Nico. Thanks po. —09073014328


I’m maybe moody like Shino, a little cold-hearted like Sai, act like I don’t care as Susuke, not that strong like Sakura, shy like Hinata… and stupid like Rock Lee, but I’ll always be beside you like Naruto always do. Good day Sir DMB, astig po ang Reader’s Corner. I’m Eden Eunush po, 17 y/o, from Laguna, anime and Kpop lover, naglalaro rin ng Dota, Pointblank, at Mercenary. Thanks and more power, Reader’s Corner! –09998043472


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘It Takes A Man and A Woman,’ kumita na ng P586M


KC Concepcion ‘di feel si Paulo Avelino

KUNG pabor nga ang magulang ni KC Concepcion na si Paulo Avelino ang maging boyfriend ng aktres ay ‘di naman pabor ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magka-boyfriend ngayon.


Ayon kasi kay KC nang makausap ng ilang press sa katatapos lang na 27th PMPC Star Awards for TV na wala pa raw sa isip niya ang magka-boyfriend, matapos ang break-up nito kay Piolo Pascual.

Wala naman daw masasabing hindi maganda si KC kay Paulo. Mabait naman daw ang aktor pero hindi pa raw siya handang makipagrelasyon sa ngayon.

So, tigilan na ang pagpupumilit ng ilan diyan na nagkakamabutihan ang dalawa dahil mismong si KC na ang nagsabi na mabait si Paulo pero wala pa sa isip ang magka-boyfriend.


Samantalang sobrang saya ang nadama ni KC nang tanggapin ang karangalang bilang Best Supporting Actress sa katatapos lang na Star Award na ginanap sa AFP Theater last Sunday.

Pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang at ang ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng role na kung saan nailabas niya ang kanyang husay sa pag-arte.


@@@


HINDI diretsahan sinagot ni Luis Manzano ang pagtatanong sa kanya ng ilan press nang ma-corner siya sa PMPC Star Award for TV sa backstage ng AFP Theater tungkol sa balitang pag-iiwasan nila ni Jennylyn Mercado pagkatapos nilang maghiwalay.

Mas gugustuhin na lang daw niyang manahimik kaysa magbigay pa ng pahayag sa nasabing balitang nag-iiwasan. Mabibigyan lang daw ng ibang kahulugan ang anomang sasabihin niya.


“Anything I would say, even sa industry na ito, you may say the nicest thing about someone, mahahanapan ka pa rin ng mali ng mga makitid ang utak,” say ni Luis.


Pero malaki pa rin ang paniwala ni Luis na magiging magkaibigan sila ni Jen pagdating ng tamang panahon.

Right now ay masaya raw siya sa kanyang career at personal life at magandang reward nga raw sa kanyang pinagdaanang problema ang pagkakapanalo niya bilang Best Game Show Host para sa Deal or No Deal sa katatapos lang na PMPC Star Award for TV.

Ito na lang daw ang karangalan na wala pa siya bilang host kaya fulfilling sa kanya ang natanggap na award.


Hindi naman ipinagdamot ni Luis sa ilang press na kausap na ibulgar ang plano na niyang magpakasal next year.

Ang problema lang ay mukhang hindi raw siya nakatakdang magkaroon ng sariling pamilya.


“I`m 32 years old. Sana, sana. I don’t wanna say…. Sana lang talaga. In fact, a friend told me just today (last Sunday), nag-message sa akin na parang, hindi ka ba nalulungkot na hindi ka pa kasal? And I even said, my next one would be the last one,” say na lang ni Luis.


The post KC Concepcion ‘di feel si Paulo Avelino appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KC Concepcion ‘di feel si Paulo Avelino


Pati pagngiti’y iniintriga!

INIAALAY raw ni Coco Martin ang kanyang napanalunang award bilang Best Actor sa fantaseryeng Juan dela Cruz sa nakaraang 27th Star Awards for TV sa mga biktima ng bagyo. Yes, Dionisia, wala ring linaw kung ang kanyang tropeo ang ihahatag sa mga typhoon victim sa Visayas o meron pang money involved.


Halos karamihan naman kasi ng mga personalidad na pinapalad manalo sa kanilang mga larangan, ito ang namumutawi sa kanilang mga bibig. Si Ariella Arida na nakamtan niya ang 3rd place sa nakaraang Miss Universe na ginanap sa Russia, nag-alay rin ng kanyang karangalan at ang boxer na si Donito Donaire gayundin ang kanyang sinabi. Nitong huli, ang ating Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao, ido-donate sana niya ang kanyang cash na panalo sa boksing na ginanap sa Macau, China.


Anyway, dahil ginipit siya ng gobyerno ng Pilipinas gawa ng pag-frozen ng kanyang mga asset, ipinangutang daw nito ang pera at mga goods na inihahatag sa mga nasalanta ng kalamidad.


Sinusulat namin itong aming kolum, nakarating na ito sa Tacloban na unang makakatanggap ng kanyang mga donasyon, kasunod ang Samar, Bohol, Cebu, Negros at Panay. Silang mag-anak na mismo ang mamamahagi. Salamat Manny. Saludo kami sa inyo.


Inuna muna niya ang kanyang mga kababayan kaysa sa kanyang sariling tahanan na nasira rin ng bagyong Yolanda. Kahit anong sabihing paninira at pangungutya sa maganda at mabait na Congresswoman Lucy Torres-Gomez ay nakangiti pa rin ito.

Sa kanyang pagngiti ay naintriga pa siya at binigyan ng masamang kahulugan. Pinalilitaw na in spite of the calamity ay nakukuha pa raw ngumiti ng magandang misis ni Richard. Madre Mia! Ano ang gusto ninyo, maglupasay at umatungal dahil marami ang binawian ng buhay at marami ang nagugutom at giniginaw sa lamig? Nakangiti si Lucy dahil dumarating na ang mga goods na bigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Iyon lang ‘yon.


Naging bad influence tuloy sa mga bata. Heto ang isang commercial sa TV na hindi nagustuhan ni Aling Rosenda ay itong isang klase ng sabong panlaba na matagal nang hindi nakikita rito sa ating bansa. Nagngingitngit siya kasi raw ginaya ng kanyang anak na nasa grade two. Heto ang story board ng advertisement ng mag-inang Carmina Villaroel, “Sige lang anak. Kung iyan ang ikabubuti ay dumihan mo na. Sagot ng anak, “Bago ang shoes ko mommy.”

Ay, santisima trinidad! Inapakan na nga ang bagong shoes ng kanyang anak na puno ng putik at lalabhan na lang pagkatapos maglaro.


Ginaya naman ng anak ni Aling Rosenda nang dumihan ang sapatos. Ngitngit ng pitong atsay, hindi pumuti ang rubber shoes. Bagkus, naging medium brown. Hahahaha! Ciao Bambino!


The post Pati pagngiti’y iniintriga! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pati pagngiti’y iniintriga!


Rodjun Cruz, excited sa pagiging Kapuso actor!

BIG break ang ibinibigay ng GMA 7 kay Rodjun Cruz buhat nang lumabas siya sa Kapuso network. After na lumabas sa My Husband’s Lover bilang isa sa mga lover ni Dennis Trillo, super excited si Rodjun sa bagong assignment sa GMA, ang pagiging top investigator sa katauhan niya bilang si Xyrus.


Sa tinatamong popularity ni Rodjun ngayon sa mga special guesting niya sa evening primetime ng GMA, walang anomang rivalry na namamagitan sa kanila ng kanyang younger brother na si Rayver Cruz. Bagkus, nagtutulungan sila sa isa’t isa para ma-improve ang kanilang craft. Si Rayver ay kilalang leading man sa ABS-CBN 2 samantalang si Rodjun ay nasa GMA 7 ngayon. Nakilala ang kagalingan ni Rodjun sa pagsasayaw sa Sunday All Stars. Magaling din siyang umawit at umarte. ‘Di matatawaran ang kanyang acting skills tulad ng ipinamalas niya sa My Husband’s Lover kung saan siya ang huling lalaking itinangi ni Dennis Trillo nang nagkalabuan sila ni Tom Rodriguez sa istorya ng soap.


Sa ngayon ay bagong assignment ni Rodjun sa Kapuso network ang role bilang tough investigator na paborito ni Cesar Montano. Si Rodjun bilang si Xyrus sa soap ay papasok na sa mga eksena ngayong week at lulutas sa kaso ng pagpatay kay Gary Estrada, gayundin sa sunod-sunod na pag-attempt sa buhay ni Lovi Poe bilang si Lovella at kay Beatrice Villacorta.


Kay Rodjun, inaabangan niya sa GMA 7 ang pagkakataon na maging part siya ng mga bida sa regular soap ng network. Hilig ni Rodjun ang showbiz na minanana niya sa kanyang mga ninuno. Ang pinakasikat niyang uncle ay si Ricky Belmonte, ang namayapang ama ni Sheryl Cruz.

Idol ni Rodjun ang uncle Ricky niya dahil maraming characters ang nagampanan ng aktor noong nabubuhay pa.


PINAPUTOL NA BUHOK AY IDO-DONATE PARA SA MGA NANGANGAILANGAN NG WIG TULAD NG CANCER PATIENT


FIRST time na nagpaputol ng mahabang buhok si Lovi. Ang buhok ng sexy actress ay halos umabot nang baywang. Nai-cut ito hanggang shoulder niya nang sabihin ng production staff ng Akin Pa Rin Ang Bukas na ang pagbabalik ni Lovella ay kailangang new look at magpapaputol ng buhok.

‘Di nagdalawang isip si Lovi, bagkus gusto niyang siya mismo ang puputol ng kanyang buhok para ma-feel niya ang eksena na punom-puno ng galit sa kanyang mga kalaban sa soap na sina Agatha (Charee Pineda) at Jerry (Rocco Nacino).


Ayon kay Lovi nang huli naming nakausap sa set ng Akin Pa Rin Ang Bukas, balak niyang i-donate ang buhok na pinutol sa gumagawa ng mga wig na kailangan ng mga cancer patient. At least for a cause ang pupuntahan ng kanyang buhok na mahabang taon niyang iningatan.


Ang unang eksenang nilabasan ni Lovi na may maikling buhok ay ang binyagan ang anak ni Agatha. Super fashionista ng dating niLovi sa eksena na ibang-iba sa dating appearance ni Lovella.


The post Rodjun Cruz, excited sa pagiging Kapuso actor! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rodjun Cruz, excited sa pagiging Kapuso actor!


Sabit sa 10-billion pork barrel issue ni Napoles ang talent manager at limang entertainment writers

SA isang umpukan ng mga entertainment press kasama ang isang premyado na manunulat ay pinag-uusapan ang tungkol sa scam ni Napoles kaugnay sa 10-billion pork barrel chuva chenes.

Sangkot kasi ang ilan sa mga kasamahan natin sa entertainment press sa nasambit na scandal. Ayon sa nasagap naming balita kagabi, mismong ang talent manager na itong mataray at matapobre na nagho-host ng isang talk show sa isang malaking network ang sabit sa issue.


‘Di ba may tatlong tukoy na tukoy na mga senator na talagang hindi tinatantanan ng media na kulang na lang ay pangalanan kagaya ni sexy, ni tanda at ni pogi.

Ang isang senator sa nasambit na iskandalo at talagang kulang nalang ay pangalanan ay alaga yata ng subject nating talent manager.


Talagang sabit nga ang ageing talent manager dahil sa ito pala ang kumukubra kay Napoles ng share ni gwapong politiko para sa kanyang pork barrel.

Hahaha! Ngayon palang bubulaga sa kolum na ito ang issue na ito. Huwag lang kaming papangalanan at siguradong sa susunod na issue ay papangalanan na namin ang TV host/actress, talent manager na ito.


Kaya pala can afford siyang dalhin sa abroad ang ilan sa mga kaibigan naming entertainment press ay dahil nga sa hawak niya ang datung ng kanyang alaga na senator mula sa sharing nito sa kanyang pork barrel.

Pinagtatawanan din sa nasabing umpukan ang talent manager dahil siguradong sa kulungan daw dadamputin ito at baka nga masabit pa ang kanyang mga kaibigang entertainment press na dinadala abroad.

Baka nga naman pera pa rin ng taong bayan ang ginagastos nila sa hotel accommodation at plane ticket at kasama pa ang pang shopping.


Kunsabagay, hindi naman kataka-takang masabit at masangkot ang mataray at matapobreng talent manager na ito dahil nga sa dati na siyang nagkaroon ng kasong scam sa Maynila kung saan umiyak-iyak pa nga ito on national television at nag-sorry lang sa mayor ng Maynila noon kaya hindi na siya tinuluyan.

Pero rito sa kasong ito kung saan siya diumano ang pumipirma on behalf of her alaga kapag kumukubra ito ng share sa kanyang pork barrel ay talagang makukulong nga ang hitad na ito.

Sigurado naman kasi kami na hindi siya palalagpasin ni President Noy at ng iba pang tumutuligsa sa 10-billion pork barrel scam ni Napoles. Abangan n’yo at siguradong ipatatawag ito sa Senate hearing ASAP.

Sinasabi ring baka early next year daw ay sa kulungan na ang bagsak ng talent manager/TV host. Abangan!


Ang sabi ng kaibigan naming taga-PMPC, first time raw kasing nag-win bilang best actress sa PMPC Star Awards itong si Marian Rivera.

Sa totoo lang malakas na talaga ang ugong-ugong sa AFP theater na si Marian ang mag-uuwi ng tropeo bilang best actress. Hindi pa nga dumarating ang aktres sa venue ng AFP theater, marami na ang nagko-congratulate rito dahil nga parang sure winner na talaga ang syota ni Dingdong Dantes.

Teka lang, bakit nga solo lang dumating si Marian sa Star Awards for television at hindi niya kasama si Dingdong Dantes? Tuloy, nu’ng tawagin ito sa entablado para ipagkaloob ang naturang trophy, halatang-halata ng mga audience lalo na ng mga artista na naroroon, ang pangangatal ng boses at pangangatog ng tuhod ni Marian.


Kunsabagay, first time nga talaga ni Marian sa PMPC Star Awards for television kaya natural lamang na ito’y kabahan.

Pero totoo nga bang hindi expected ni Marian Rivera na siya ang magwi-win bilang best actress?

Sana naman sinamahan siya ni Dong bilang moral support.


The post Sabit sa 10-billion pork barrel issue ni Napoles ang talent manager at limang entertainment writers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sabit sa 10-billion pork barrel issue ni Napoles ang talent manager at limang entertainment writers


Nabigla nang manalo ng award!

SIMPLE lang ang kasal na gusto ni Vic Sotto para sa kanila ni Pauleen Luna.

Pakakasalan ba niya talaga si Pauleen?

“Why not? Wala namang masama roon! Kung darating doon, okey,” sagot niya nang makatsikahan siya sa presscon ng My Little Bossings na isang filmfest entry sa December 25.

“Nandiyan naman ang mga plano, eh. Kaya ka nakikipagrelasyon sa kapwa mo kasi, hindi lang dahil trip mo lang. Hindi ko naman puwedeng itanggi na walang plano to settle or get married in the future. “Pero kung darating ‘yon, kung may definite plans, kayo ang unang makakaalam,“ sey pa niya na kung saan ay hindi raw niya itatago ang kasal nila ni Pauleen.

“Hindi ko naman idi-deny, eh. Hindi na uso ‘yan ngayon. Like what I said nu’ng nakaraang buwan, what you see is what you get,” deklara pa niya.


Gusto ba niyang magka-baby ulit?

“Pagkabibiyayaan, why not? Kahit ano. Kahit kambal, mas mabuti!” aniya pa.


-0o0-


ANG original Primetime King ng GMA 7 na si Richard Gutierrez ang nag-uwi ng Best Travel Show Host trophy noong Linggo sa 37th Star Awards for Television na ginanap sa AFP Theater at may delayed telecast sa Linggo sa ABS-CBN pagkatapos ng Ganda Gabi Vice.

Nanalo ng nasabing award si Richard para sa Pinoy Adventures, ang dati niyang show sa Kapuso network na ginawa niya under GMA News and Public Affairs.


Ayon kay Richard, nasa Star Awards for Television siya dahil sila ng twin-brother niyang si Raymond, kasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, ang hosts that night at nagulat na lang siya nang nagmamadaling pumasok sa dressing room nila ang floor director at hinihila siya papunta sa stage dahil nanalo siya ng award.

“At first, nabigla ako, kaya tanong ako nang tanong kung anong award ang pinanalunan ko, hindi naman masabi no’ng floor director, basta, nanalo raw ako ng award at kailangan na ako sa stage to accept it,” napapangiting kuwento ni Richard.


Nang iabot na sa kanya ang trophy at basahin niya ang nakasulat doon na Best Travel Show Host ay saka pa lang na-realize ni Richard na ‘yon pala ang kategoryang napanalunan niya.

Nominated din kasi si Richard sa kategoryang Best Reality Competition Show Host para sa Extra Challenge show nila ni Marian Rivera, kaya nalito ang binata at hindi alam kung saan siya nanalo dahil nasa dressing room siya at hindi narinig nang tawaging winner ang kanyang pangalan sa Best Travel Show Host”.

“I’m so happy, nabigla ako, pero ‘yung pagkabigla, siyempre, napalitan ng happiness. Very thankful ako sa mga taga-PMPC at ako ‘yung nanalo sa category na ‘yon and I’m also very thankful sa mga taga-GMA News and Public Affairs for giving me that show dahil na-enjoy ko talaga ‘yung paggawa ng show na ‘yon,” sabi ni Richard.


Sa pagkapanalo ng nasabing award, lalo tuloy na-miss ng fans si Richard at ang lahat nga ay nagtatanong kung after maging Kapuso sa loob ng 11 years, saan na kayang network pupunta ang actor/TV host?

Anyway, sa ngayon, busy si Richard at nagsimula na ang taping ng reality TV show ng kanilang pamilya, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipapalabas sa isang international TV network na hindi pa puwedeng i-announce, at nagsimula na rin siya ng shooting ng pelikulang Overtime under GMA Films.


The post Nabigla nang manalo ng award! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nabigla nang manalo ng award!


Simpleng award/kaibigan sa radyo, kinairitahan ni Bubonika?

HAHAHAHAHAHAHAHA! I don’t know what’s eating up Bubonika, the rat-faced chaka.

Rat-faced chaka raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!


Hayan at binigyan lang kami ng friendly recognition ni Charlie Lozo sa kanyang radio show sa Internet Radio supposedly bilang King & Queen of Showbiz Program, biglang umarko raw ang kakilayan ng gurangski na tulaera.

Gurangski na tulaera raw talaga, o! Harharharharhar!

How hilarious can you get! Hakhakhakhakhakhakhak!


Why is that so when she considers herself the undisputed queen of intrega, I mean, intriga pala? Harharharharharharharharharharhar!

Pati ba naman ang simpleng paniniwala ng aming kaibigan ay sasaklawan pa niya? Hahahahahahahaha!


Honestly, Bubonika, the rat-faced Mongolian chakita (rat-faced Mongolian chakita raw talaga, o! Hahahahahahahahahaha! Kaaning!) is once again hoping against hope that the super opulent MVP would be

magnanimous enough to make good his promise that he’d give her another show the very moment their ratingless showbiz oriented program at TV5 would ultimately close shop.

Would ultimately close shop daw, o! Hahahahahahahahaha!


Kung bakit kasi hindi pa tanggapin ng mukhang ebs na gurangski na she’s been able to reach the saturation point of her hosting career for the simple reason that pug-nosed individuals are no longer in

vogue of late? Hakhakhakhakhakhakhakhak!


Come to think of it, hindi na rin naman siya lugi dahil in spite of her horrible physiognomy, she’d

been given the chance to make it real big (hayan, Bubonic, the chakistic Titanic! Big, ha? not small! Harharharharhar! Yuck!) in the business.

But one must accept one’s limitations. Hindi na uso ang baduy on national TV at lalong no place rito ang mga orgilyas. Hakhakhakhak!

I’ve said this before and I’ll say it again for the umpteenth time, do something about your protruding belly and your busalsal na nose.

Busasalsal na nose raw, o! Hakhakhakhakhak!


Go on a diet and don’t give in to your insatiable and endless appetite gurangga. Hahahahahahaha!

Honestly and cattiness aside, you’ve become too fleshy for comfort, you’re finding it a hard time walking right after sitting down for quite sometime. Harharharharhar!

Mag-retire ka na guranggetch.


Your following are no longer active. Besides, your hosting style has become antiquated and no longer

adaptable to the present times.


In short, bluntly stated, it has become nauseating and hackneyed. Hahahahahahahahahahaha!

Manahimik ka na or better still, magtanim ka na lang ng kamote at baka kumita ka pa, lola.

Hahahahahahahahahahahahahahaha!

‘Yun na!


OKAY LANG KAY TIA PUSIT ANG PANG-OOKRAY NI BUBONIKA!


TAHIMIK lang si Tia Pusit sa mga banat sa kanya ni Crispy Chaka sa cheaply written columns nito na kesyo ginagawang gatasan lang daw siya ng boyfriend niyang call center employee at ikinahihiya.

Kung meron daw nakaaalam sa existing set-up sa kanilang dalawa, ‘yan ay silang dalawa lang at wala nang iba pa and she doesn’t feel like giving some stupid explanations just to please other people. Hahahahahahahaha!

Oo nga naman!


Tungkol naman sa ikinahihiya’t itinatago raw siya ng kanyang papa, pakidampot daw ng kredebilidad sa sahig, lola. Hahahahahahahahahahahaha!

Kung gusto mo silang makita, go ka sa Solaire hotel sa Pasay city dahil du’n daw sila rumarampa pala-palagi. Hahahahahahahahahahaha!

Sulat kasi nang sulat, mali-mali naman.

Yuck!


Mag-casino ka na nga lang. Tutal du’n ka nababagay. Hahahahahahahahahahahahahaha!

‘Yun na!


HINDI NA GRUMADWEYT SA PAGDODROGA!


NAKAPANGHIHINAYANG naman ang hunk actor na ‘to na malayo sana ang mararating kung nabigyan lang ng ample guidance ng kanyang ina. Since, mawala kasi ang kanyang erpats, parang nawalan na ng direksyon

ang kanyang buhay at may mga panahong hindi talaga siya available para mag-taping sa kanyang soap operas dahil bangenge siya sa kanyang condo at doon nagsasalitang mag-isa habang rumaratrat ng ecstacy.

Kung naging mas caring lang si ermats, ‘di sana siya malilihis ng landas.


Ang kaso, she’s busy with her own ambition and personal life, her son would have to fend for himself.

Kaya si kuya, lost in the dark at neither nor there ang career lalo na’t ‘yung orig niyang manager na nakaiintindi sa kanya is already six feet below the ground.

‘Yan din ang mahirap kapag hindi pa rin matanggap ng ermats mo na may edad na siya at hindi na batang tulad ng dati.


That’s the tragedy when you used to be tinsel town’s hottest bombshell and you suddenly wake up one day already way past your prime.

‘Yun lang!


CASSANDRA PONTI, ANG TINDI NANG IGINANDA


PARANG kailan lang ba ‘yun nang maging byword ang pangalan ni Cassandra Ponti na contemporary nina Sam Milby at Nene Tamayo sa PBB 1?

Pero kung noo’y medyo more on the darker side of midnight (darker side of midnight daw, o! Hahahaha!) ang beauty niya, lately ay hindi na halos siya makilala dahil sa may pagkatisay na ang beauty ng ating lola. Hahahahahahahahahahaha!

Bukod sa tisay, eskalera na rin ang kanyang kailungan at eksaherada na ang bumbpers.

Look at her photo somewhere in this spread and be the judge. Hahahahahahahahahaha!


Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Simpleng award/kaibigan sa radyo, kinairitahan ni Bubonika? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Simpleng award/kaibigan sa radyo, kinairitahan ni Bubonika?


Pagbusisi sa Malampaya fund scam itutulak sa Senado

Natakdang isalang sa Senate blue ribbon committee ang pagdinig sa umano'y maanomalyang paggamit ng P900 milyong Malampaya fund. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pagbusisi sa Malampaya fund scam itutulak sa Senado


Tig-5 ginto, target ng billiards, judo

Asam ng Billiards and Sports Congress of the Philippines (BSCP) at Philippine Judo Federation (PJF) na mag-uwi ng tig-limang gintong medalya sa paglahok sa 27th Southeast Asian Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Disyembre 11 hanggang 22.


Sinabi ni 2-time World 10-Ball champion Rubilen Amit na nakatuon ang Philippine billiards team sa pag-uwi ng gintong medalya sa men’s at women’s 8-Ball at 10-Ball, gayundin sa carom.



Makakasama ni Amit, unang dalawang beses nakapagwagi ng korona sa World 10-Ball, ang 2011 SEA Games 8-Ball at 9-Ball gold medalist na si Iris Ranola sa kababaihan.


Ipiprisinta naman ng multi-tilted na si Dennis Orcollo ang bansa sa 8-Ball habang si Carlo Biado sa 10-Ball. Si Francisco dela Cruz ay lalaban sa carom.


Ito din ang asam ng siyam kataong koponan ng judo na sasagupa sa disiplina na may nakatayang 18 ginto.


Sasagupa para sa bansa sina 2011 Indonesia SEAG gold medalist Nancy Quillotes-Lucero sa 45kg, Kyumi Watanabe sa 66kg, Helen Dawa sa 48kg, Jelu Mosqueda sa 57 kg at Ruth Dugaduga sa 78kg sa women’s division.


Ang men’s team ay binubuo naman nina Ryan Quillotes sa 60kg, Gilbert Ramirez sa 73kg, Dennis Catipon sa 66kg at Andrew Gumola sa 90kg. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tig-5 ginto, target ng billiards, judo


Yeng, ilulunsad ang singing career ng boyfriend sa concert

NGAYONG gabi ang launching ng non-showbiz singer boyfriend ni Yeng Constantino, makaka-duet niya ito sa Plugged-in: Yeng Constantino Birthday Concert na gaganapin sa Samsung Hall, SM Aura Global City, Taguig.


YENG Constantino Bukod sa boyfriend ni Yeng ay special guests din sina Sam Milby, Rico Blanco, band ni Yeng na Sesa, at ang Singaporean rapper na si Shseik Haikel.



“Simple lang ang show, pero magaganda ang line-up ng songs, powerful and it’s Yeng’s influences and journey,” say ng manager niyang si Erickson Raymundo.


Masaya kami sa nangyayari ngayon sa career ni Yeng na parang kailan lang ay kuntento nang magkaroon ng hit songs, makagawa ng albums at hoping na makilala at makapag-show sa ibang bansa. Ito ang parating sinasabi niya sa interviews niya noong bago pa lang siya.


Sa tulong ng Cornerstone Talent Agency, natupad lahat ng Pop Rock Princess ang mga pangarap niya.


Totoo naman dahil naging sosyal si Yeng nang maging manager niya si Erickson, kaya abut-abot ang pasalamat ng singer at masunurin (na?) raw siya.


Iisa lang ang pakiusap ng manager ni Yeng, “Huwag muna siyang mag-aasawa kasi sayang ang offers, ang dami-dami pa. Nag-usap na kami tungkol dito.”


Oo nga pala, marrying age na kasi ang pop rock princess at baka isang araw ay bigla na lang itong ma-lost dahil nagtanan. Pero ang tanda na niya para magtanan, ha-ha-ha!


Base sa huling panayam namin kay Yeng, binibigyan pa niya ng tatlong taon ang sarili bago lumagay sa tahimik. Hmm, hindi ba sampung taon, Erickson?


Ang Plugged-in: Yeng Constantino Birthday Concert, na produced ng Cornerstone Concerts at Academy of Rock Singapore with major sponsors Crossover Events at Leonard Paris sa direction ni Ria Villena Osorio, ay handog ni Yeng sa lahat ng supporters niya through the years. Sa Prost Resto/bar ni Sam ang diretso after the show kaya sa mga gustong makasama pa ang pop rock princess, go na kayo. ‘Yun nga lang, pay kayo, ha? –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Yeng, ilulunsad ang singing career ng boyfriend sa concert


Friday, November 29, 2013

GROUND COMMANDER

Matagal nang napawi ang bangis ni Yolanda, ngunit umaalingawngaw pa rin ang obserbasyon na walang kaalyado ng pamahalaan ang nangasiwa sa pagsaklolo sa mga sinalanta ng naturang kalamidad sa Visayas.



Hanggang ngayon, lumulutang ang mga pananaw na nagkulang sa kahandaan ang gobyerno, tulad ng ipinagdidiinan ng batikang US journalist na si Anderson Cooper ng CNN TV. Subalit hindi natin inaakala na masyadong mabagsik si Yolanda – ang pinakamalakas na bagyo na humagupit sa atin. Minaliit natin ang lagim ng naturang super-typhoon.


Sa isang pagbabalik-tanaw, kinailangan ang isang ground commander na magbibigay ng direksiyon sa pagsisikap ng gobyerno at ng pribadong sektor na pakilusin kaagad ang relief operatiions, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Ngunit nang pumagitna si Secretary Mar Roxas ng Department of Interior and Local Government upang ipaayos ang koordinasyon sa mga biktima ng kalamidad, inulan naman siya ng mga pagbatikos. Sala sa init, sala sa lamig, wika nga. Kapag pumalaot ka sa aksiyon, bibintangang nagmamagaling; kapag ikaw ay tutunganga lamang, lalong titindi ang mga pagtuligsa.


Maging si Defense Secretary Voltaire Gazmin, katunayan, ay hindi rin nakaligtas sa mga pagtuligsa, bilang Chairman ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC), hindi siya masyadong lumantad sa relief operations. Sina dating Presidente Ramos at Senator Juan Ponce Enrile ang pumuna sa naturang pagwawalang-bahala ni Gazmin.


Ang mga paratang ng mga kritiko ni Roxas ay nakalundo sa sinasabing pamumulitika nito kaugnay ng 2016 presidential polls. Kahit na may batayan ang gayong sapantaha, hinihingi ng pagkakataon na dapat isantabi ang pulitika at magkakabalikat na umayuda sa mga biktima ni Yolanda.


Tinugunan lang at inako ni Roxas ang responsibilidad sa pagsaklolo sa mapanganib na situwasyon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GROUND COMMANDER


AC juniors, men’s divisions, nagsipagwagi

Kapwa sumalo sa liderato ng juniors at men’ s divisions ang mga koponan ng Emilio Aguinaldo College matapos nilang pataubin ang nakatunggaling guest school Lyceum of the Philippines University kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 89th NCAA volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.



Nagtala si Ishmael Rivera ng 19 puntos, kinapapalooban ng 18 hits, para pangunahan ang EAC Brigadiers sa paggapi sa Lyceum Junior Pirates, 25-14,25-21,25-17.


Dahil sa kanilang panalo, ang kanilang ikatlong sunod sa torneo, tumabla ang Brigadiers sa namumunong San Sebastian College Staglets sa pangunguna sa juniors division.


Sa men’ s division, nagposte naman ng game high 26 puntos si Howard Mojica, kabilang na rito ang 22 hits, isang block at 3 aces, para pamunuan ang Generals sa kanilang tagumpay kontra Pirates, 25-27,25-23,25-13,25-17.


Nag-ambag naman ang mga kakamping sina Kurth Melliza at Sid Raymund Miguel Gerella ng 19 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.


Dahil naman sa pagkabigo, bumaba ang Junior Pirates sa patas na barahang 2-2 habang lalo namang nabaon ang Pirates sa ilalim ng standings ng seniors division dahil sa pagkahulog sa ikaapat na sunod nilang kabiguan. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AC juniors, men’s divisions, nagsipagwagi


I don’t need to defend PNoy –Kris Aquino


SA presscon ng My Little Bossings, tinanong si Kris Aquino tungkol sa mga taong nagba-bash sa relief goods operations, na hindi naman daw nakatanggap ng tulong ang ibang biktima ng super typhoon Yolanda.


“I don’t care about them because the people na napuntahan namin, grabe ang gratitude. Kasi, di ba, ‘yung mga hindi ma-please are not the people there? I love the Warays, I told Boy about it.



“Mahal na mahal ko ang mga Waray kasi bongga silang magpasalamat, sobrang hindi selfish. Nu’ng lahat dini-distribute namin para lahat magkaroon, nu’ng una napapatatlo bigay dahil napapalingon ka sa iba, sasabihin nila, meron na sila (honest).


“Kaya nasa-sad ako na hindi ‘yun nakikita ng tao. Bakit hindi natin ipakita ‘yung mga kabutihan ng Pilipino — at ‘yung first hand na nakita ko for myself, grabe,” kuwento ni Kris.


Kinunan din ng reaksiyon si Kris tungkol kay Pangulong Noynoy Aquino na maraming bumabatikos, hindi ba niya ito ipagtatanggol?


“I don’t need to defend him because actions speaks louder than criticism and siguro the fact until now he enjoys the trust of the people. ‘Yun kasi kapag nae-emotional ako, nagte-text ako sa kanya at sinasabi niyang, ‘relax’ o, di okay lang. At siya (PNoy) nagsasabi sa akin ng, ‘Kristina, relax, dedma’.


“You don’t become immune, ha? But you become stronger and siguro, he’s been through everything. This year alone, lahat napagdaanan na, so kung anuman ‘yun, bilib talaga ako sa pagkatao niya that he has not changed,” pahayag ni Kris.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



I don’t need to defend PNoy –Kris Aquino


PNP officer inabsuwelto ng CA sa second-hand helicopters

Binaliktad ng Court of Appeals ang unang desisyon ng Office of the Ombudsman sa pagsibak kay Chief Supt. Luis L. Saligumba bunsod ng maanomalyang pagbili ng tatlong second hand helicopters na pinalitaw na brand new para sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.



Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon, giit ng CA na hindi dapat sisihin si Saligumba sa paglalagay ng kanyang lagda sa report na ginawa ng PNP-Inspection and Acceptance Committee (IAC) dahil wala itong sapat na kaalamang teknikal hinggil sa mga helicopter.


“Saligumba had every reason to rely on the report prepared by the composite technical inspection team which was in a better position to know what to check in a helicopter and its true condition,” sinabi ng CA.


“Petitioner (Saligumba) is hereby exonerated from the administrative charges and ordered reinstated to the service,” ayon pa sa CA.


Noong Mayo 30, 2012, ideneklara ng Office of the Ombudsman si Saligumba bilang “guilty” sa kasong serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service na nagbunsod sa kanyang pagkakasibak sa serbisyo. Ipinagutos din ng korte sa PNP na huwag ibigay ang retirement benefits ni Saligumba.


Nag-ugat ang kasong administratibo laban sa 11 opisyal ng pulisya sa pagbili ng isang fully-equipped Robinson R44 Raven II Light Operational Helicopter (LPOH) sa halagang P42.3 milyon at dalawang standard-equipped Robinson R44 Raven I sa halagang P62.7 milyon noong 2009 at 2010.


Ang purchase requirement ng PNP ay mga brand new helicopter subalit kinalaunan ay nadiskubreng ang fully-equipped Raven II lamang ang bagong unit habang ang dalawang Raven I ay second hand. – Rey G. Panaligan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNP officer inabsuwelto ng CA sa second-hand helicopters