LALABAS na anomang araw ngayon ang desisyon ng Sandiganbayan sa hirit na makapagpiyansa nina dating PNP chief retired Gen. Avelino Sonny Razon, Jr. at Gen. Geary Barias, na dating director for controllership ng PNP.
Sinabi ni Atty. Jeoffre Gil Zapata, na executive clerk of court ng Sandiganbayan 4th Division, submitted for resolution na noon pang huling linggo ng Oktubre 2014 ang bail petition ng dalawang opisyal.
Kalimitan na aniya sa loob lamang ng 90-araw ay kailangan nang maglabas ng desisyon ang mga mahistrado.
Pero nilinaw nito na kailangan unanimous ang desisyon ng tatlong justices dahil kapag hindi ay kailangang bumuo pa ng court of five na lima na ang aatasang maglabas ng desisyon.
Matatandaang si Razon at Barias ay idinadawit sa multi-milyong pisong ghost repair ng mga V-150 light armored vehicle ng PNP noong 2007.
Naniniwala ang kampo ng mga dating heneral na papayagan silang makapagpiyansa ng Sandigan dahil walang nakitang matibay na ebidensyang magsasangkot sa kanila sa nasabing katiwalian. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment