Saturday, January 31, 2015

3 opisyal ng Comelec, magreretiro na

MAGRERETIRO na bukas (Pebrero 2) ang tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na sina Chairman Sixto Brillantes, Jr. at Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.


Kaugnay nito, nag-isyu na ng resolusyon ang Comelec en banc na nagtatalaga kay Commissioner Christian Robert S. Lim upang maging acting chairman ng Comelec, kapalit ni Brillantes.


Bukod sa siyang pinaka-senior commissioner na maiiwan sa puwesto, si Lim ay personal na pinili ni Brillantes na pansamantalang mangasiwa sa poll body hanggang sa panahong makapili na si Pangulong Aquino ng bagong Comelec chairman.


Ayon kay Brillantes, kumpiyansa siyang may sapat na kakayahan si Lim upang gampanan ang naturang tungkulin dahil taong 2011 pa nang magsimula itong maging opisyal ng poll body.


Bagama’t maaari naman aniyang mamili ang en banc kung sino ang magiging acting chairman, sa tradisyon ay dapat na ang pinaka-senior sa lahat ang gumampan sa naturang tungkulin.


Sa pagbibitiw nina Brillantes, Yusoph at Tagle ay sina Lim, at iba pang commissioners na sina Arthur Lim, Luie Guia at Al Parreno ang matitira sa pitong miyembro ng en banc.


Magsisimulang manungkulan sa puwesto si Lim sa Pebrero 3. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 opisyal ng Comelec, magreretiro na


No comments:

Post a Comment