Friday, January 30, 2015

VP Binay, pinagsasalita si Purisima sa Mamasapano encounter

HINAMON ni Vice-President Jejomar Binay si suspended Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na magsalita na sa mga nalalaman nito sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF.


“Basagin na niya ang kanyang katahimikan. Sa lahat ng lumalabas na ulat na palaging nabanggit ang pangalan ni Purisima ang nagplano at nagpatupad ng nasabing operasyon kahit siya’y suspendido na sa kanyang tungkulin,” sabi ni Binay sa isang pahayag kaninang umaga sa National Day of Mourning.


Linggo, Enero 25, nang magsagawa ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao ang isang grupo ng PNP-SAF para sana arestuhin ang dalawang teroristang nagtatago roon.


Habang paatras na ang pwersa, naka-engkwentro naman nila ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Maraming ulat ang naglabasan na may kinalaman ang suspendidong si Purisima sa madugong operasyon.


Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong batid ni Purisima ang operasyon pero tumigil na aniya ito sa partisipasyon nang ipatupad ng Office of the Ombudsman ang suspensyon nito.


“Sino ba ang nagplano at nag-utos ng operasyon? Sino sa bahagi ng MILF at BIFF ang nag-utos na tambangan ang mga miyembro ng SAF?” dagdag pa ni bise-presidente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



VP Binay, pinagsasalita si Purisima sa Mamasapano encounter


No comments:

Post a Comment