Thursday, January 29, 2015

2 kritikal sa kasugal

KRITIKAL ang dalawang lalaki matapos pagsasaksakin ng kasugal na naghihinala na pinagkakaisahan ng mga una habang nagto-tong-its sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Enero 29.


Ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng saksak sa katawan sina Rolly Boy Maayon, 28, at Ronald Medenilla, 36, kapwa ng Baltazar St., ng lungsod.


Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Botchok.


Sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw ay kasugal ng suspek ang mga biktima sa Esguerra St., ng lungsod kung saan natatalo na ang una.


Naghinala ang suspek na nagkakampihan ang mga biktima kaya siya natatalo hanggang sa hugutin ng una ang dalang patalim at magkasunod na undayan ng saksak ang dalawang kasugal.


Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa CMC ang mga biktima. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



2 kritikal sa kasugal


No comments:

Post a Comment