Friday, January 30, 2015

Lacson ‘di kumbinsido sa tila paninisi ni PNoy sa SAF

HINDI kumbinsido si dating Philippine National Police (PNP) Chief at dating Rehab Czar Panfilo Lacson sa tila paninisi ni Pangulong Noynoy Aquino sa pamunuan ng Special Action Force ng PNP.


Kaugnay ito nang sabihin ng Pangulo sa kanyang televised speech na walang tamang koordinasyon ang ginawang operasyon ng SAF para tugisin at arestuhin ang dalawang kilabot na teroristang sina Marwan at Basit Usman.


Ayon kay Lacson, hinihingi ng pagkakataon at sitwasyon ang ginawang minimal coordination ni dating SAF Commander Getulio Napeñas sa isinagawa nilang operasyon.


Para kay Lacson, sa halip na sinisi, dapat inako na lamang ni Pangulong Noynoy Aquino ang nangyari sabay hamon sa MILF na makipagtulungan sa imbestigasyon bilang pagpapakita ng sinseridad sa gumugulong na usapang pangkapayapaan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lacson ‘di kumbinsido sa tila paninisi ni PNoy sa SAF


No comments:

Post a Comment