Friday, January 30, 2015

Kemikal na panggawa ng plastic, ipinagbawal ng DoH

UMAPELA sa Department of Health (DoH) ang isang environmental at consumer safety watch group na ipagbawal ang isang uri ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic, na napatunayang nakalalason at makasasama sa mga taong gagamit nito, particular na sa mga paslit.


Sa liham na ipinadala ng grupong EcoWaste Coalition kay Health Sec. Janette Garin, hinimok nito ang kalihim na magpalabas ng administrative order para sa pagbabawal ng plastic products na may taglay na chemical Bisphenol A (BPA), sa bansa.


Tinukoy ng grupo ang DoH administrative order na may titulong “Prohibition on the Manufacture, Importation, Advertisement and Sale of Polycarbonate Baby Bottles and Sippy Cups Containing Bisphenol A in the Philippines,” na ang draft ay inilabas noong 2013 ngunit hindi naman nalagdaan at naipatupad.


Sinabi ni Thony Dizon, coordinator ng grupo, labis silang nag-aalala sa pagkaantala ng naturang kautusan kasunod na rin ng dumaraming global concern sa pagkalantad ng mga tao sa BPA.


Ayon sa grupo, ang BPA ay iniuugnay sa mga problemang pangkalusugan tulad ng asthma, attention deficit hyperactivity disorder, autism, infertility, erectile dysfunction, obesity, diabetes, heart diseases and breast at prostrate cancers. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kemikal na panggawa ng plastic, ipinagbawal ng DoH


No comments:

Post a Comment