Friday, January 30, 2015

BAYAN pinababasura sa SC ang hirit ng OSG

HINIMOK ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang Korte Suprema na ibasura ang hirit ng Office of the Solictor General (OSG) na palawigin pa ang paghahain nila ng komento hinggil sa isinampang petisyong kumokontra sa taas-singil sa LRT at MRT.


Ayon sa grupo, hindi dahilan ang pagbisita ng Santo Papa para hindi nila maihain ang kanilang sagot sa petisyon.


Muling iginiit ng grupo na hindi makatarungan ang ginawang pagtataas sa pasahe ng mga mass transit at tahasan ding inabuso ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Jun Abaya ang kanyang kapangyarihan sa usapin. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



BAYAN pinababasura sa SC ang hirit ng OSG


No comments:

Post a Comment