Friday, January 30, 2015

P50-milyong halaga ng shabu nakumpiska sa QC, 4 arestado

AABOT sa P50-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos madakip ang apat katao sa isang buy-bust operation sa Quezon City kaninang umaga, Enero 30, 2015, Biyernes.


Kinilala ni Quezon City Police District director Senior Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng 144 Reyna Regente St., Binondo, Manila; Zhi Gui Wang, Filipino Chinese, Buddhist, 32, tubong Fu Jiang China, ng Cubao, QC; Al-Insan Pangandag, 26, Filipino, tubong Marawi, ng Block 9, Lot 1, Santan St., DasmariƱas, Cavite; at Michelle Permali, Filipino, 30, dalaga, ng Samuel St., Bgy. Bungad, QC.


Ayon kay Insp. Maricar Taqueban, Public Information Office (PIO), nadakip ang mga suspek sa Alvero St., malapit sa kanto ng Katipunan St., Bgy. Loyola Heights, QC sa harap ng Shakey’s Restaurant dakong 7:45 ng umaga.


Sinabi sa ulat na nadakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation ng mga operatiba ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs sa pangunguna ng hepe nitong si C/Insp. Roberto Razon.


Nabatid sa ulat na naglunsad ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa mga suspek matapos pagbilhan ng dalawang kilong shabu ang isang police poseur buyer ng halagang P3-milyon.


Matapos iabot ang droga ay agad dinakip ang mga suspek at nakumpiska pa sa mga ito ang walong supot ng tig-iisang kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng isang itim na paper bag sa loob ng isang sasakyan na Ford Focus (AAO-7880).


Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang isang Mazda 6 na gray (SXM-908) AT Toyota Altis na silver (AAX-1689).


Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



P50-milyong halaga ng shabu nakumpiska sa QC, 4 arestado


No comments:

Post a Comment