Friday, January 30, 2015

Taal aktibo nang muli, 15 volcanic quakes naitala

AKTIBO na naman ang Taal Volcano sa Batangas matapos itong makapagtala ng 15 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras, ayon sa ulat kaninang umaga (Enero 30) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sinabi ng Phivolcs na ang water temperature sa west sector ng main crater lake ay nanatiling nasa 29.5°C.


Sa 8 a.m. update, sinabi ng Phivolcs na nananatili pa rin sa alert level 1 ang Taal volcano na ang ibig-sabihin ay wala pang hazardous eruption ang magaganap.


Nitong nakaraang Huwebes, sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ang Taal volcano ng 13 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras.


Sinabi rin ng Phivolcs na ang main crater ng bulkan ay “strictly off-limits dahil maaring may maganap na biglaang steam explosions at pagbuga ng toxic gases.


Ang kabuuan naman ng Volcano Island ay isang permanent danger zone at ipinagbabawal na ang paninirahan doon. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Taal aktibo nang muli, 15 volcanic quakes naitala


No comments:

Post a Comment