MAY bagong klase na raw ng addiction ngayon.
Ito ‘yung mga taong halos hindi na mabuhay kung walang computers, computer games addicts in particular.
Computer addicts ang tawag sa kanila at tinatanggap na ito bilang isang uri ng addiction, parang isang “sakit.”
Sa ibang bansa ay may mga rehabilitation center na para sa mga computer addict.
Malaking problema ito.
Naalala ko ang isang kwento na nabasa ko sa isang pahayagan tungkol sa mag-asawa mula sa isang bansa sa Asya na nakulong dahil napatunayan na namatay ang kanilang nag-iisang anak na babae dahil sa gutom.
Napabayaan ang bata dahil daw adik sa paglalaro ng computer ang parehong mga magulang niya. Tsk.
Hindi maitatatwa ang mga kwento rin dito sa atin sa Pilipinas ng mga reklamo ng mga magulang tungkol sa mga computer game.
Mga bata na nagka-cutting classes, mas malala ‘yung mga nangungupit, dahil sa addiction sa mga computer game.
Nag-aalala ang mga eksperto, dumarami ang kaso ng mga computer addict na Pinoy, dapat daw na tutukan ang isyu ng computer addiction para maaga pa ay makontrol na.
Pero sa inisyal na solusyon, bilang mga magulang, nasa atin ang kapangyarihan para maprotektahan ang ating mga anak laban sa addiction na ito.
Ang tatag ng pamilya, ang pagmamahal na nagbubuklod sa mag-anak ay mabisang pananggalang.
Sabi pa ng mga nag-aaral sa bagong “sakit” na ito importante raw ang interaksyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak, na dapat alam natin ang lahat ng saloobin ng mga bata para hindi sila tumakbo sa mga computer kung kailangan nila ng makakausap o makakanlungan.
Mabuti na lang, likas sa ating mga Pinoy ang closely-knit family ties, ito ang magliligtas sa ating kabataan laban sa bagong panganib na ito.
Pero mahalaga na isama sa mga bagong pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang pag-aaral tungkol sa isyu ng computer addiction bago pa man ito maging kanser na mahirap nang magamot.
***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or i-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment