NILAGDAAN na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang resolusyon na ipinasa ng Manila Council hinggil sa pagbibigay ng tulong pinansyal ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa may 44 nasawing mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) sa naganap na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Linggo.
Sa nilagdaang resolusyon ni Estrada, mabibiyayaan ng may P100,000 cash ang pamilya ng may 44 nasawing tauhan ng SAF habang ang 12 sugatan naman ay mabibigyan ng P50,000 cash mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ang may-akda ng nasabing kautusan ay mismong si Vice Mayor Isko Moreno na sinuportahan naman ng miyembro ng Manila City Council bilang pagbibigay kahalagahan sa ginawang pagbubuwis ng buhay ng mga tauhan ng SAF matapos magsagawa ng operasyon sa Maguindanao.
Nakatakda namang ibigay ang naturang tulong pinansyal sa mga pamilya ng nasawing SAF gayundin sa mga sugatan na nakaligtas sa nabatid na operasyon sa susunod na linggo. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment