AYON kay Jake Vargas ‘di pa sila nagkikita ng discoverer/manager niyang si German Moreno magmula nang ma-ospital ang huli.
Dinalaw naman daw niya si Kuya Germs sa ospital pero pinagbawalan daw siyang humarap at makipag-usap dito. When asked kung sino ngayon ang nangangalaga ng kanyang showbiz career habang nagpapagaling si Kuya Germs, (na balitang okey na raw ngayon at nakagagalaw at nakakausap na rin pero kailangan pa ng ibayong gamutan).
“Okey naman ang schedule at project na naka-lineup. Nandiyan po naman sina Tita Tsuchie at Tita Carmelite. Sila po muna ang nag-aasikaso ng mga gagawin kong project,” say ni Jake nang makausap namin sa grand presscon ng Liwanag sa Dilim.
Maagang dumating si Jake sa presscon kaya kinausap na namin ito para klaruhin ang naglalabasang battered boyfriend daw siya? “Hindi po ako battered boyfriend,“ nakangiting say ni Jake.
“Totoo nagkakatampuhan kami pero kaagad din namin itong inaayos. Mahal ko po si Bea (Binene) kaya kahit siya ang may nagawang kasalanan, ako pa rin ang unang gumagawa ng paraan para kami magkaayos.”
Tinanong din namin kay Jake ang usap-usapan ngayon na tuluyan na raw sila nag-break ni Bea?
Kesyo for the sake na lang daw ng kanilang movie, Liwanag sa Dilim, kaya ayaw nilang aminin ang totoong sitwasyon ng kanilang pagmamahalan?
Lalong tumibay ang hinala ng press nang dumating si Bea sa grand presscon na hindi man lang tumayo si Jake para lapitan si Bea at vice versa.
Napilitan lang yata si Bea nang tawagin ng ilan press at tanungin kung bakit hindi siya lumalapit kay Jake samantalang magkasintahan sila?
Saka lang lumapit si Bea sa kinauupuan ni Jake para ito tapikin sa balikat at hindi para makipagbeso-beso.
Super-deny pa rin ang dalawa na wala na sila at pinagpilitan na okey na okey sila.
When asked kung ano ba talaga ang sanhi ng madalas nilang tampuhan kaya sila madalas na magtalo, iisa ang naging sagot na dahilan nina Bea at Jake, ang selosan daw.
Katwiran ni Jake, sa dalawang nagmamahalan daw ay ‘di nawawala ang selosan. Kung wala raw nadaramang selos ang isa’t isa ay parang hindi raw nila mahal ang isa’t isa.
Bukod kina Bea at Jake, kasama rin sa Liwanag sa Dilim si Sarah Labhati na mas lalong gumanda at sumeksi magmula nang magkaanak kay Richard Gutierrez.
***
Inamin ni Regine Velasquez na hindi raw siya talaga kumportable na umaarte sa pelikula at telebisyon. “Personally, it’s my weakness, feeling ko. ‘Coz I really never considered myself as an actor. So, laging malaking effort for me to go sa set and be an actor. It’s very hard for me. So, that’s why, I only choose projects that are in my comfort zone,” say ng binansagang Songbird.
Kung may project raw na talagang feeling niya ay kumportable siya, saka lang daw niya ito tatanggapin. Anyway, sa pagpasok ng taong 2015 ay wala pa naman daw siyang naka-lineup na project sa GMA 7. Tamang-tama naman dahil mapaghahandaan niya ang Valentine concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano at Lani Misalucha.
Tungkol naman sa balitang lilipat na raw siya ng TV network?
Natawa si Regine at kaagad na sinabi na wala naman siyang problema sa Kapuso network. Okey naman daw sila ng management. If ever na lilipat daw siya, ‘yun daw ay mangyayari kung ayaw na talaga siya ng GMA.
***
Tila totoo nga yata ang sinabi ni Gabby Eigenmann na para sa isa’t isa raw talaga sina Jake Ejercito at kapatid niyang si Andi Eigenmann dahil sa loob raw ng apat na taon ay lagi raw nagbe-break ang dalawa pero in the end ay lagi rin nagkakaayos.
Feeling din daw ni Gabby na magkakabalikan din daw sina Andi at Jake dahil greatest love raw ng dalawa ang isa’t isa.
Tila totoo ang prediction ni Gabby dahil nakitang magkasama kamakailan lang sina Andi at Jake sa Singapore with some friends at sabi ay mukhang okey na ang dalawa.
So, kung totoo na mahal na mahal nila ang isa’t isa ay ‘di malayong mauwi na naman sa reconciliation ang on and off relationship ng dalawa.
Ang tanong ngayon ay paano na si Bret Jackson na kasama pa ni Andi na nag-celebrate ng New Year at tila patay na patay rin sa actress? TEKA MUNA/GERRY OCAMPO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment