Thursday, January 29, 2015

LTFRB AT LTO, INUTIL SA MGA COLORUM SA MAYNILA

NGAYON, mga pare ko, pag-uupakan natin itong sangkaterbang kolorum na pampasaherong jeep sa Escolta, Sta. Cruz hanggang sa Pier kung saan ang mga matataas na opisyal ng kapulisan ang may hawak nito.


Putcha naman ohhh..


Kahit araw-arawin na baguhin ng LTFRB ang pagpapalit ng plate (plaka) ng mga pampasahaerong sasakyan ay hindi maaalis ang mga kolorum sa Sta. Cruz, Escolta at sa Aduana Circle dahil hindi mauubos ang mga ito.


Katunayan ay nagdagdag pa sila ng kanilang terminal na makikita sa tabi ng Bureau of Immigration (BI).


May sariling mga daan ang mga kolorum na jeep na ito simula sa Escolta hanggang Aduana Circle tapos ay babalik sila papuntang B.I., bago pabalik ng Escolta.


Halos hindi na sila dumaraan sa Manila Hotel, City Hall, Carriedo at ‘pag may LTO Flying Squad na nakatambay ay magte-text sila mga tropang driver na ‘wag bumiyahe, may kalaban sa lugar na ito.


Untouchable ang mga pulis na humahawak dito at walang kakayahan naman na manghuli ang mga taga-LTFRB, LTO at DOTC.


Paging: LTFRB, LTO at DOTC, ‘yaman din lamang na wala kayong kakayahang sumugpo ng mga kolorum ay eto ang mga plaka nila.


Unahin ninyo itong TVK-335, TVM-928, PXB- 941, DRB green or white plate WLJ-433 to 438 green plate at ang mga may green plate ay bumibiyahe sa Escolta kapag walang operation.


DEDMA LANG SINA MAYOR SA VK


Patuloy pa rin daw ang operasyon ng sangkaterbang mga video-karera (vk) ni Junie sa Cainta at Taytay, Rizal.


Sa halip na iligpit ni Junie ang mga nakalatag na mga vk nito sa mga barangay ay dinedma lamang nito ang reklamo.


Hindi rin kumilos sina Cainta Mayor Kit Nieto at Taytay Mayor Janet del Mercado.


Ay buhay!!!


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



LTFRB AT LTO, INUTIL SA MGA COLORUM SA MAYNILA


No comments:

Post a Comment