Friday, January 30, 2015

Sympathy walk, inilunsad ng PNPA alumni para sa napatay na SAF members

PANAWAGAN ng hustisya at pakikisimpatya sa pagkamatay ng 44 PNP-SAF commandos sa Mamasapano, Maguindanao ang naging tema ng sympathy walk na inilunsad ng Philippine National Police Academy (PNPA).


Sa paglalakad idinaan ng ilang pulis ang kanilang pagluluksa mula sa Fort Bonifacio patungong Camp Bagong Diwa sa Taguig.


Bukod sa mga pulis, may mga taga-BJMP at firetruck ng BFP na kasama sa martsa.


Karamihan sa mga nakikiisa sa martsa ay naglagay ng itim na ribbon bilang tanda ng pakikidalamhati. May dala ring bulaklak at mga placard ang ilan sa mga kasama sa lakad, at nanawagan ng hustisya.


Inaasahang sasakto ang dulo ng martsa sa gagawing necrological service sa Camp Bagong Diwa para sa 44 nasawi sa engkwentro sa Mamasapano. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sympathy walk, inilunsad ng PNPA alumni para sa napatay na SAF members


No comments:

Post a Comment