Saturday, January 31, 2015

Voters registration tuloy na ulit

NAGPASYA ang Commission on Elections (Comelec) na huwag nang suspendihin ngayong Pebrero ang voter’s registration para sa 2016 presidential polls.


Ayon kay outgoing Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., binabawi na nila ang resolusyon na pansamantalang nagkakansela sa pagpapatala ng mga botante dahil sa posibilidad na hindi matuloy ang SK polls.


Paliwanag niya, halos sigurado na silang maipagpapaliban ang SK elections.


Nakatanggap na aniya sila ng impormasyon na papaburan at lalagdaan na ng pangulong Aquino ang panukalang batas hinggil dito.


Nauna rito, una nang nagpalabas ng Resolution 9905 ang Comelec en banc na nagsususpinde sa voter’s registration mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 28 upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan (SK) polls na nakatakda sana sa Pebrero 21.


Gayunman, ipinagpaliban ng Comelec ang pagsisimula ng election period para sa SK polls, gayundin ang gun ban, matapos na maipasa na sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala hinggil sa postponement ng SK polls sa Oktubre 2016. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Voters registration tuloy na ulit


No comments:

Post a Comment