Thursday, January 29, 2015

Junjun Binay, binitbit sa Senate hearing

BINITBIT si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay, Jr. sa session hall ng Senado kaninang hapon para dumalo sa Blue Ribbon subcommittee probe sa umano’y anomalya sa Makati City.


Mismong si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, chairperson ng subcommittee, ang nag-utos sa Senate sergeant-at-arms na dalhin si Binay sa session hall sa kabila ng sinabi ng abogado nito na ayaw pa rin pumayag ng kanyang kliyente na dumalo sa pagdinig.


Hindi naman nakapalag pa si Binay nang sa magkabilang kamay ay bitbitin siya ng dalawang tauhan ng Senado.


Dahil sa puwersahang pagbitbit, nagkaroon ng pasa sa kanang braso ang anak ni Vice-President Jojo Binay.


Ikinulong si Binay sa Senate detention cell kaninang umaga matapos isilbi ni Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia Jr. ang pag-aresto laban sa kanya. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Junjun Binay, binitbit sa Senate hearing


No comments:

Post a Comment