NAGPAABOT din ng pakikiramay ang Amerika sa Pilipinas na nagdeklara ng Pambansang Araw ng Pagluluksa.
Sa official statement na ipinalabas ng US Embassy kaninang umaga, ipinaabot nito ang pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya, kaibigan at kasamahan sa serbisyo ng 44 na mga miyembro ng PNP-SAF.
Nagbigay-pugay din ang Amerika sa katapangan ng SAF units para ipagtanggol ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.
Muli rin namang tiniyak ng Estados Unidos ang kanilang commitment sa pagsuporta sa peace process sa Mindanao at ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa mga terorista.
“The United States reiterates its support for the Philippine government’s efforts to combat international terrorism while promoting a just and lasting peaceful resolution to the conflict in Mindanao,” bahagi pa ng statement.
Nitong nakalipas na araw ay agaw-pansin ang nakitang presensya ng ilang US troops na tumutulong sa pag-airlift sa mga sugatan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment