Thursday, January 29, 2015

ALLAHU AKBAR? NO WAY!

MAWALANG GALANG sa mga matitino at totoong mananampalataya ng ISLAM – mga kapatid natin na Muslim sa Mindanao na kapayapaan ang nasa bawat sulok ng kanilang isip at pagkatao.


Kinokondena natin ang marahas at mala-hayop na pagpaslang kamakailan sa ating PNP Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.


Kinokondena rin natin ang LUNO at BOBO na postura ng rehimen ni Benigno Aquino 3rd sa nangyaring masaker na ikinamatay ng 49 na awtoridad ng ating bayan!


Hindi natin matanggap ang sinabi ng MalacaƱang na sa kabila raw ng mala-demonyong pagpaslang sa mga pulis ay kailangan pa rin daw ituloy ang usaping pangkapayapaan na inisyatibo’t programa ni NOYNOY?


Hindi ba kayo kinikilabutan sa inyong sinasabi?


Wala pa man ang Bangsamoro State na ipapalit sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), heto ang kayabangan ng mga namumuno sa MILF na nagsabing “hindi raw nagpaalam sa kanila ang PNP-SAF sa ginawang operasyon ng huli?”


Katarantaduhan!


Papaano na kung ang inutil na rehimeng Aquino ay lubusan na itinatag ang Bangsamoro State sa bahagi ng Mindanao? Lalo na tayong nagkaletse ang buhay?


Iihi ka lang sa parang ay kailangang magpaalam ka pa sa MILF? Uutot ka lang, kailangan pa ang koordinasyon?


Tama ang ginawa ng Senado. Isantabi na lang muna ang usapin ng pagbuo ng BBL ni Aquino at MILF. Maski mga kapatid natin na Muslim ay tutol sa karahasan kaya umalis sila ng Mindanao.


Ano ang silbi na ipagsigawan ang ALLAHU AKBAR kung dahas at kamatayan ang hatid nito sa kapwa? Para saan ang ALLAHU AKBAR kung ang inaalagaan ay pawang mga terorista’t kriminal? Allahu Akbar? No way!


Walang magawa ang mga sundalo. Hindi sila pwedeng pumutok kahit isang bala dahil sa kasunduang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF. Nakatali ang kanilang mga kamay at gatilyo ng armas!


Komo ba “kamag-anak” ng MILF ang ilang “bago” na terorista sa BIFF ay sila ang poprotektahan nila kaysa tunay na awtoridad ng bayan at mamamayan?


Dapat kang mag-isip G. Aquino. Interes ng bansa at taumbayan o PAKIKIPAGLANDIAN MO sa MILF!


Hirap at gutom ang mga biktima ng kalamidad pero ang mga binubusog mo ay mamamatay Filipino.


Dapat din na tumindig ang Kongreso. Ang taumbayan. Dapat nang magpasya ang mga kapatid natin na mga militar at pulisya. Kalagin ang gapos ni Aquino sa inyong mga kamay!


Mataas ang paggalang natin sa mga kapatid nating Muslim. Mataas ang pagkilala natin sa Islam. Ngunit kung maghahari ang karahasan at hindi makatwiran na pagpatay ng ilan sa kanila – ALLAHU AKBAR? NO WAY!!! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



ALLAHU AKBAR? NO WAY!


No comments:

Post a Comment