MAY balikan blues bang nangyari kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito? Kumakalat ngayon sa online ang mga photos nila kasama ang mga friends sa Singapore.
Sila na kaya ang magka-date sa darating na Valentine’s Day?
Sey niya sa Twitter Account “4 yrs isnt a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends. #letitrainchillpills”
Paano na ang pagkaka-link ni Andi kay Bret Jackson at ni Jake kay KC del Rosario ‘pag may balikan blues na nangyari?
-0o0-
Nag-sorry si Sandy Andolong kay Toni Gonzaga dahil tinawag niya itong “a loving fiancée” sa kanyang birthday greeting. Ang akala tuloy ng netizens ay engaged na si Toni sa pitong taon niyang karelasyon na si Direk Paul Soriano.
Lalo pang nagkakulay nang wala si Toni sa The Buzz nung Sunday para linawin ang issue.
Nagpaliwanag naman si Sandy na gumaganap na nanay ni Toni sa Home Sweetie Home sa kanyanf IG.
“Just to clear things up. I’m so sorry @celestinegonzaga @paulsoriano1017 for using the term ‘fiancée’ in my birthday greeting post to you?
“I just based it on the fact that you both have been in a very stable, & God centered relationship for years.
“I can see how you both bring out the best in each other. I never realized it would cause so much commotion and reaction from so many people. Again, my deepest apology to Tin, Paul and their families for the trouble,” aniya.
Tungkol naman sa ‘Home Sweetie Home’ ngayong Sabado, tungkol pa rin sa Japan trip nila. Maalaalang, naihiwalay sina Nanay Loi (Sandy) Gigi (Miles Ocampo) at Rence (Clarence Delgado) dahil “tumakas” ang mag-sweetieng Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni) upang makapag-solo at ma-celebrate ang kanilang anniversary.
Pero bumalik na ang mag-asawa sa hotel at sa kung saan sila naghiwa-hiwalay, ‘di pa rin nila mahagilap sina Nanay Loi. Alalang-alala na sila, lalo na si Julie.
Nag-sorry si Romeo sa kanilang Nanay Loi sa ginawang pagtakas, pero inamin din naman ni Nanay Loi na kaya hindi din niya sinagot ang tawag ng mga anak ay para makapag-solo sila.
‘Yun na!
-0o0-
Nakatsikahan namin si Frencheska Farr at inamin niya na may pinagdaraanan habang sinusulat ang kanyang single na Let My Fire Out.
“Hindi po sa lovelife. Sa buhay lang po. Nung time kasi na ‘yun, basta ay mga pinagdadaanan lang kami sa family and sa personal life so alam n’yo ‘yung parang napa-frustrate ka lang talaga na wala kang magawa dahil hindi mo hawak ‘yung sitwasyon.
“Parang ganun. So at that time na-realize ko na siguro kailangan ko lang tanggapin kung sino talaga ako at kumbaga kasi ‘yung kanta for me represents my fears and kung sino ‘yung pagkatao ko rati na pilit kong, ‘yung alam n’yo po ‘yung parang dark past ng gusto mong kalimutan,” bulalas niya na kung saan ay mada-download sa ITunes ang bago niyang single.
Ano ‘yung dark past na sinasabi niya?
“How dark? Hindi naman sobrang dark pero ano lang siya, kumbaga ‘yung stages ng buhay ko na may mga ganun kasi, ‘di ba?
“Na ‘pag napi-feel mo na parang kinakahiya mo ‘yung past mo, ‘yung mga ganyan.
“Hindi po siya diretsong isyu, e.”
Hindi ba ito sa gender issue?
“Hindi po, wala po akong isyu sa gender. Wala, ‘yung takbo lang ng buhay, parang ganun lang talaga siya. Siguro po dala na rin ng experience, ganun, sambit niya. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment