MAGSASARILING imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao, na ikinamatay ng 44 elite policemen sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sinabi ni CHR chairperson Etta Rosales na ang unang hakbang ay kapanayamin ang ilan sa mga opisyales ng pamahalaan.
“We will be going, February 3 and 4, sa Cotabato first, because we will be meeting the regional government, and of course the regional human rights commission, and the Philippine National Police,” ani Rosales.
Umaasa rin si Rosales na makakausap nila ang mga lider ng MILF, na lumagda sa isang peace agreement sa gobyerno para marinig ang kanilang panig.
“If there are violation, eh ‘di kailangang ilabas natin iyon. We want the truth,” dagdag pa ni Rosales.
Naganap ang engkwentro nang magsagawa ng operasyon ang SAF, ang elitistang unit ng Philippine National Police (PNP), para isilbi ang arrest warrant laban kay Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, na nakita umano sa loob mismo ng MILF-controlled village sa Mamasapano.
Pagtatanggol naman ng MILF officials na self-defense ang nangyari, habang ang inilarawan naman ng gobyerno antg insidente na isang “misencounter.” ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment